|
|
| Reaksyon ni Paolo sa Pagbubutis ni Nancy: "It's a very good blessing from God"Author: Vinia Vivar "OKAY 'yon," ang reaksyon ni Paolo Contis nang tanungin namin hinggil sa pagbubuntis ng ex-girlfriend niyang si Nancy Castiglione na ngayon ay Nancy Jane na ang screen name. "'m sure, ginusto niya 'yon. Knowing her, problema niya 'yon, 'di ba, kasi mayroon siyang sakit, mahirap siyang magbuntis. So, imbes na matakot, kumbaga, nu'ng nalaman niya, I'm sure, natuwa siya. "It's a very good blessing from God, and imagine, twins pa, mula sa mahirap (magbuntis), ngayon, naging twins pa," say niya nang makausap namin sa presscon ng One Night Only. May nagbiro sa kanya na bakit nu'ng time nila, hindi nabuntis si Nancy at sinakyan naman ito ni Paolo. "Teka, makapagpa-check nga," natatawa niyang sabi. Seriously, anang aktor, hindi pa siya ready na magkaroon ng baby sa ngayon. "Madaling gumawa, pero hindi mo alam kung paano... masarap mag-alaga, ako nag-e-enjoy ako akong mag-alaga ng pamangkin ko. Isa pa lang ang baby namin sa bahay, pamangkin ko. Nag-e-enjoy ako, pero nakikita ko 'yung kuya ko, iba rin ang responsibilidad niya bilang tatay. So, baka mamaya, 'pag hindi ka nag-enjoy, mahirapan ka. So, mental preparation 'yan, eh. " Hindi pa raw nila napag-uusapan ni Isabel Oli ang pagpapakasal, pero aminado siyang nag-iisip na siya for the future and thanks to his girlfriend, malaking influence raw ito sa maturity niya ngayon. "Siyempre, malaking tulong si Isabel. Tama rin kasi siya. Hindi naman pabata ang edad ko, patanda ako. Twenty-four pa lang naman ako, pero mas maganda na magsimula na ngayon kesa naman 'pag 28 or 30 na. "Malay ko ba kung ganito pa rin ako ka-busy pagdating ko ng ganu'ng age? So, mabuti na 'yung may ipon na ako. " Nilinaw nga rin pala namin kay Paolo ang tungkol sa pag-alis niya sa show na Midnight DJ ng TV5 at say niya, kinailangan na raw siyang umalis. "Pumirma na kasi ako ng exclusive contract sa GMA-7, so exclusive na ako, hindi na puwede. Nang simula ko kasi ang Midnight DJ, hindi pa ako pirmado. "So, nu'ng pinapirma ako, GMA-7 was nice enough na ipatapos sa akin 'yung first season. And in the first place, ang kontrata ko sa Midnight DJ ay one season lang. Nagkataon, isa lang kami sa na-extend for another season, hindi ko na puwedeng tanggapin. " Tinapatan naman daw ng GMA-7 ang nawalang show at happy siya sa kanyang shows. "I'm doing Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, may World Records ako, mayroon pa akong isang game show na gagawin by next year," say pa ni Paolo. Anyway, sa pelikulang One Night Only ay limang naggagandahang babae ang kasama ni Paolo �" sina Alessandra de Rossi (kapareha niya), Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Jennlyn Mercado at Katrina Halili. Kasama rin sina Ricky Davao at Joross Gamboa mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes. * * * MAY ginagawa na namang pelikula together sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Sila ang bida sa last episode ng Shake, Rattle and Roll X na may titulong Class Picture at filmfest entry ng Regal Films ngayong Disyembre. Bukod dito ang sunud-sunod nilang serye sa ABS-CBN. Tulad ngayon, may Your Song Presents My Only Hope sila every Sunday at madaragdagan pa ng Tayong Dalawa, na i-ere na sa primetime slot soon. Practically, araw-araw talaga ay magkasama sila at kulang na lang ay tumira sila sa iisang bubong. Hindi ba sila nagkakasawaan? "Hindi po, lalo nga kaming nagiging close. Hindi naman sa close na 'yung gusto n'yong isipin, wala pa naman po kami ru'n," ani Gerald nang mapanayam namin sa set ng SR&RX last Thursday night sa Philippine Women's University. Bakit wala pa sila sa ganu'ng level? Ano pa ba ang kulang? "Siguro po, mas kailangan pa naming magkasama nang mas matagal," say niya. First movie raw nila ito sa Regal Films at pangatlo naman nilang magkasama. Excited sila, since una rin nila itong movie na pang-filmfest, kaya first time na sasakay sa karosa. Since malapit na ang Christmas, tinanong namin si Gerald kung ano ang gift niya kay Kim. Matapos niyang bigyan ng kotse ang ka-loveteam noong debut nito, ano ang susunod? "Nag-iisip pa po ako kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Pinaghahandaan pa lang. Pero siyempre, hindi kotse, wala na akong pera nu'n 'pag kotse ulit," natatawa niyang sabi. Sey naman ni Kim, hindi na siya kailangang bigyan ni Gerald ng gift dahil alam niyang malaki ang gastos nito ngayon sa ipinagagawang bahay. Source: People's Tonight |