|
|
| Real score nina Dennis at Pauleen, alam ni JennicaAuthor: Noel Asiñas INAMIN sa amin ni Jennica Garcia na naging "nurse" siya ni Dennis nu'ng panahong madalas magkasakit ang aktor sa set ng Adik Sa 'Yo sa Batangas. Malayo kasi ang set kaya hindi agad-agad makakauwi si Dennis. "Wala akongmagagawa kasi si Dennis ang madalas kong ka-eksena. Eh, sino pa ang tutulong sa kanya kungdi ako lang. Dalawa ang set ng Adik Sa' Yo at nagkataong ako ang ma-dalas kasama. Wala pa si Pauleen (Luna) noon. "Madalas kong tinatanong si Dennis kung nakainom na ng gamot o kung kumain na. Kasi wala si-yang ganang kumain. May pagkakataon pang talagang hindi na nakaya ni Dennis ang sakit kaya na-pack up ang taping ng isnag araw," kuwento ni Jennica. Kahit malaki ang agwat ng edad nina Dennis at Jenica bilang loveteam ay nakakaintindihan sila. Natutuwa si Jennica kay Dennis dahil super-bait at maunawain ang binata. Bukod pa sa magaling na aktor at hindi marunong tumanggi sa trabaho. All praises naman si Dennis kay Jennica dahil super-liksi ito kung kumilos at laging on the go na parang hindi marunong mapagod. Saka magaling din daw ang anak ni Jean Garcia na mag-pick up ng eksena, lalo sa comedy scenes bukod sa magaling daw sa timing ka-ya masarap katrabaho. Pero, walang dapat ipagselos si Pauleen kay Jennica, kung malapit man siya kay Dennis. Best of friends ngayon sina Pauleen at Jennica kaya more or less ay alam nito ang real score between Pauleen and Dennis. * * * Naging mainit ang pagtanggap kay Mr. Fu ng mga manood ng Cool Center nang mag-guest ito sa radio talk show on TV nina Anjo Yllana at Eugene Domingo last Saturday. Ngayong Sabado naman, live na magce-celebrate ng birthday si Eugene Domingo. Anu-ano kaya ang mga sorpresang inihanda para sa kanya ng amigong si Anjo? Abangan din ang ginawang pagsugod ni Arf Arf sa Araneta para sa WWE Smackdown. Pabilisan din sa pagtawag ngayong Sabado dahil ipapamigay ni Rufa Mae Quinto ang kanyang ultra-sexy dress. Kaya manood at tumawag sa 981-1936 to 38 this Saturday pagkatapos ng Imbestigador sa GMA-7. * * * Nasa ikalima at huling performance na ngayong Sabado sa Talentadong Pinoy ang 13-anyos na si Joshua Rafael Davis, kilala bilang Yoyo Tricker, na hindi lamang nagpahanga sa mga manood sa kakaibang galing niya sa yoyo exhibition, kundi umantig din sa damdamin ng napakaraming tao dahil sa kuwento ng pagpanaw ng kanyang kapatid na kasama niyang nangarap na makilala sa larangang pinasok niya. Ang Talentadong Pinoy ay hosted by Ryan Agoncillo at mapapanood sa TV5 tuwing Sabado. * * * WALA nang pagkapigil pa ang pagpasok ni Melanie Marquez sa politics. Sa kanyang birthday celebration last July 16, ina-min niyang pinag-iisipan niyang kumandidato sa 2010 elections. At kung talagang tatakbo siya ay malalaman ito early last quarter ng 2009, malamang by September or October. Target ni Melanie na ma-ging senadora. May offer na siya sa ilang political parties, pero pinag-iisipan munang mabuti ni Melanie ang kanyang pagpasok sa pulitika. Bukod dito, active siya sa iba't ibang charity works. * * * MAY bagong season ang SRO ngayong July. Tampok ang istorya ng buhay ni Eva Castillo, ang singer na binuhay muli ni Regine Velasquez ang career. Bale si Eva ang bukod tanging kalaban ni Regine sa mga amarteur singing contest noon na laging tinatalo sa Asia's Songbird. Nang matagpuan ni Re-gine sa Bangkusay, Tondo si Eva, nagtitinda na lang ng ulam si Eva bilang suporta sa kanyang mga anak. Ngayo'y nakatira na siya sa magarang apartment kapiling ang pitong anak na lahat ay nag-aaral. Sina Glaiza de Castro at Manilyn Reynes ang lalabas bilang si Eva. * * * NASABI ni Regine Velasquez na wala siyang ba-lak patulan ang mga patutsada ni Freddie Aguilar. Alam kasi niyang sob-rang naniniwala si Ka Freddie sa Pinoy talent. Naka-recover na rin nang husto si Regine sa sakit na A(H1N1) dahil maganda na ang kanyang aura. Pinaghahandaan niya ang nalalpit na concert Sky Dom ng SM North Edsa na ang guest artist ay si Eva Castillo. Source: Taliba |