Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Regine at Ogie, nagliwaliw sa Australia

Regine at Ogie, nagliwaliw sa Australia

Author: Ruel Mendoza

Pinagkaguluhan nga si Ogie Alcasid sa Parade of Stars noong December 24, dahil in character siya bilang si Luga Luda sa Desperadas 2.

Sey nga ni Ogie, tiniis niya ang almost 2-hours na paglalagay ng body makeup, makeup sa mukha, paglagay ng wig at pagsuot ng wedding gown.

Hindi na lang daw siya nag-high heels dahil nakasakay naman daw sila sa karosa at nakatago raw sa mahabang skirt ang kanyang mga paa.

Pero, pag-amin ni Ogie, nag-enjoy din siya sa kanyang ginawa. Parang Christmas gift na raw niya 'yon sa mga fans.

“In fairness, light lang ang makeup ko! Baka kasi sabihin nina Ruffa (Gutierrez), Rufa Mae (Quinto), Iza (Calzado) at Marian (Rivera), eh tinatalbugan ko sila. Kaya sabi ko sa makeup artist, light lang para natural ang dating ng beauty ko,” natatawang sabi ni Ogie.

Hindi nga nakadalo si Ogie kagabi sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2008.

Nagpunta kasi sila ng girlfriend na si Regine Velasquez sa Australia.

Sabi ni Ogie, matagal na nilang plano ni Regine `yon na bibisitahin ang mga anak niya kay Michelle van Eimeren na sina Leila at Sarah. Umalis nga sina Ogie at Regine last December 26.

Anyway, hindi naman magtatagal sina Ogie at Regine sa Australia dahil before December 31 ay babalik na sila dahil may malaking New Year show ang GMA-7 na gaganapin sa SM Mall of Asia.

Source: Abante