Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Regine, ayaw tantanan ng migraine!

Regine, ayaw tantanan ng migraine!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

PATULOY ang pag-atake ng migraine ni Regine Velasquez, kaya hindi pa rin siya makasipot sa iba niyang shows, at sa shooting ng pelikula nila ni Aga Muhlach.

Ang migraine rin ang sakit na iniinda noon ni Sunshine Dizon. At kinailangan talaga ni Sunshine na uminom ng pain reliever para makakilos.
Nu'ng makausap namin si Regine sa taping ng Celebrity Duets last Saturday, halata na iniinda pa rin niya ang migraine. Matamlay at tila wala sa mood si Regine.

Pero, kahit alam mong inaatake siya ng migraine, panay pa rin ang sagot niya sa mga tanong namin sa kanya.

Kuwento ni Regine, dalawang linggo na raw siyang inaatake ng migraine. Nagtataka si Regine kung bakit bumalik ang migraine niya, na nawala na raw noon.

Kuwento pa rin ni Regine, nawala ang migraine niya noong binago niya ang kanyang routine, na dapat ay hanggang 12 ng gabi lang siya puwedeng magtrabaho.

“Akala ko nga hindi na babalik,” sabi pa niya.

Pero, bumalik nga raw sa hindi malamang dahilan. At isa sa tinutukoy ni Regine na dahilan ng kanyang migraine ay ang pagda-diet niya.

Anyway, kuwento ng mga kaibigan ni Regine, mula raw nu'ng mag-diet si Regine ay inatake na ito ng migraine.

“Napansin kasi niya na mataba na siya kaya nag-diet siya. Eh, 'yung pagda-diet niya hindi gradual, binigla niya kaya hayun at bumalik ang migraine niya,” kuwento ng isang taong malapit kay Regine.

Biro namin sa aming kausap, baka naman nagpaplano na si Regine na magbuntis kaya nagdesisyon itong mag-diet? Pero, sagot lang ng aming kausap, lahat sila na mga kaibigan ni Regine ay gusto na talaga na mabuntis si Regine.

Tanggap nga raw nila kahit alin ang mauna, ang mabuntis o ikasal si Regine kay Ogie Alcasid.

Inaasam nga ng mga kaibigan ni Regine na lumabas na ang resulta ng petition for annulment ni Ogie kay Michelle van Eimeren bago matapos ang 2009.

Source: Abante