Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Regine, biktima ng ‘maniac’ sa mall!

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

ISANG kaibigan ang tumawag sa amin para ibalita ang nakitang pambabastos ng isang maniac kay Regine Tolentino sa isang mall.

Nagsa-shopping daw si Regine sa Glorietta, Makati City, kasama ang mother niya nang biglang sumulpot ang isang lalaki’t kinunan ng video ang dibdib ng TV host gamit ang cellphone camera.

Buti na lang at may guwardiyang malapit sa kanila, kaya sinugod nito ang lalaki at dinala sa istasyon ng pulis para imbestigahan at sampahan ng kasong malicious mischief.

Pinatotohanan ni Regine ang nasabing insidente sa Unang Hirit at nagpasalamat sa mga guwardiyang tumulong sa kanya.

Sa susunod daw na mag-shopping siya, mag-iingat na para ’di maulit ang insidente.

* * *

ONE of these days, nakatakdang magsalita si Jennylyn Mercado at ang manager niyang si Becky Aguila tungkol sa isyung nag-aaway sila.

Ngayon lang kasi nalaman ng dalawa na may taong gumagawa ng paninira para magkagalit sila.

Kilala na nina Jen at Becky ang naninira at nagkakalat ng tsikang hindi matinong manager ang huli.

Ipinapa-check na rin daw ni Becky sa accountant niya kung magkano ang nawawalang pera sa kanya na diumano’y kagagawan ng pinagkakatiwalaan niyang empleyado.

Maging si Jennylyn, halos mawalan daw ng ulirat dahil nalamang wala nang laman ang passbook at ATM card.

Kung tama ang dinig namin, balak daw ipakulong nina Jen at Becky ang naturang suspect.

* * *

NASAKTAN si TinTin Bersola-Babao sa inosenteng pahayag ni Alfonso Supetran, owner ng Unique toothpaste, na malaki ang nalugi sa kanila dahil sa magarbong launch ng TV host.

“Panay ang sorry niya (Mr. Supetran) sa akin. Magpapadala raw siya ng apology letter (lumabas nu’ng Biyernes dito sa Tonight) through Jun Lalin, na nagsasabing hindi ganoon ang ibig niyang ipakahulugan. Na-misquote lang daw siya,” say ni Tintin.

“I’ve been endorsing EQ diaper for three years now, four years naman sa Aquasoft, two years sa Anchor nutrition at second year ko na sa Pynocare at Axion Linis Plato mission. Lahat sila, long term ang kontrata ko, kung hindi ako effective endorser, I don’t think they will renew. ”

* * *

WHAT do Rachelle Ann Go and Kyla have in common?

Sasagutin ’yan ng The Sweet Life nina Lucy Torres-Gomez, Wilma Doesnt at Grace Lee.

Bukod kina Kyla at Rachelle Ann, guests din sina Dennis Trillo at Drew Arellano.

Ang The Sweet Life ay napapanood sa QTV 11, Monday to Friday, 6 to 7 p. m.

Source: People's Tonight