Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Regine highest paid endorser ng Bench

Author: Dominic Rea

Isang mini-concert ang ginawa ni Regine Velasquez sa launching ng kanyang Reigne at Songbird perfume for HerBench last August 28 sa Atrium Lobby ng Mall of Asia.

Dumalo sa launching si Mr. Ben Chan, gayundin sina Geoff Taylor (Are You The Next Big Star grand winner) JR, Biboy Arboleda at ilang entertainment press.

Nang tanungin si Regine kung totoong siya ang highest-paid among Bench models-endorsers ay humalakhak lang ito sabay yakap sa dyowang si Ogie Alcasid, na hitsurang personal photographer ni Regine that evening!

* * *

Sa katatapos lang na Power Boys concert nina Richard Poon at Sam Milby sa Metrobar, na produced at directed ng kaibigan naming si Jobert Sucaldito, nakausap namin si Nadia Montenegro tungkol sa kasong kinasasangkutan niya umano na umabot na raw sa barangay ng St. Ignacius Village kung saan siya nakatira.

"Walang ganyang isyu sa akin ngayon!Ngayon ko lang din nalaman na may ganyang isyu!Barangay?Wala!Nasa house ako almost 24 hours, doon din kami nakatira ng mga bata,wala namang sinasabing ganyan o walang nakakara-ting na ganyang salita sa akin. Baka 'yung sa isang bahay na ang katabi ay 'yung loteng nabili ni Allan K!Doon ang alam ko na may konting problema kasi may inaayos kami doon," agad na depensa ni Nadia.

Naging deretsahan din si Nadia sa pagsasabing "no way" na papasukin niyang muli ang mundo ng pulitika.

"As in no way!Huwag na!Ayoko na!I have this peaceful mind now. Tahimik na rin ang buhay namin which is ine-enjoy ko na rin ang pagiging mommy sa mga anak ko!Inayawan naman nila ako the last time na tumakbo ako. Hindi naman nila kinagat ang mga gusto kong gawin para sa kanila. Ngayon nakita naman nila na wala pa ring nangyayari sa inaasahan nila, so, I think, may mga plans lang siguro sa atin ang Itaas. Until now kasi ay wala pa ring nangyayari sa kanila. Ginusto nila 'yun!Ayoko na!" aniya.

Nakahanda na rin daw magbalik-pelikula at telebisyon si Nadia the moment na pumayat na siya!

"'Yun 'yung gift ko for myself now that's why I did this commitment sa Mikaela to at least loose 70 pounds at kapag okey na ako at nagawa ko na 'yun, nandiyan lang naman ang showbusiness, anytime naman pupuwede. But not now," paliwanag pa ni Nadia.

* * *

Hindi maiwasang mag-react ang kaibigan naming si Alma Concepcion ng huli namin itong makausap.

May isang entertainment press kasi ang nagtanong sa kanya na "atat" na raw ba siyang magpakasal sa kanyang fiancee?

Ikinaloka ng aktres ang pagtatanong kaya ang sagot ni Alma, ang mga babae ang niyayayang pakasalan ng isang lalaki at hindi raw ang babae ang nagyayaya ng kasal sa lalaki.

Hindi naman daw siya ganoon ka-desperada para gawin 'yun kahit sabihin nating currently happy na rin siya sa kanyang pribadong buhay!

Source: Taliba