Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Regine, marunong lumingon sa pinanggalingan 30 estudyante, bida sa 'Tatlong Dekads Ng Dabarkads'

Regine, marunong lumingon sa pinanggalingan 30 estudyante, bida sa 'Tatlong Dekads Ng Dabarkads'

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

ANG hindi lumi­ngon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa kinaroroonan. Kaya naman, kahit may nagsasabi na nagbago na si Regine Velasquez, naniniwala ako na marunong pa rin siyang lumingon sa pinanggalingan.

Katunayan, sa isang espesyal na docu-musical na ginawa ni Regine, ang Regine...Roots to Riches, na ipalalabas bukas, binalik ni Regine ang mga taong nakatulong sa kanya nung nagsisimula pa lang siya.

Hinanap nga ni Re­gine si Mang Estong, ang tricycle driver na naghahatid sa kanya sa lahat ng singing contest sa iba't ibang bayan, pat na si Mrs.

Susan Galvez, ang grade school teacher niya na gumagawa ng mga gowns niya ng libre noon, at siyempre, si Mang Gerry, ang kanyang ama, trainor at tumayo na

unang manager.

Siyempre, hindi rin kinalimutan ni Regine si Ronnie Henares na dati niyang manager, at kasama rin si Cacai Mitra, ang kapatid at manager niya ngayon.

Eh, puwede ba namang makalimutan ni Regine sina Pilita Corrales, Pops Fernandez at Jose Mari Chan? Eh, malaking bahagi sila sa buhay ni Regine.

Si Pilita ang isa sa mga host ng Ang Bagong Kampeon, ang singing contest sa TV kung saan nagwagi si Regine. Si Pops naman ang dating host ng Penthouse Live na nag-imbita sa kanya bilang guest sa show. 'Yun daw ang

unang guest appearance ni Regine sa TV.

At siyempre, si Jose Mari Chan na nakasama niya sa una niyang recorded duet, ang Please Be Careful With My Heart.

Makakasama rin ni Regine sa docu-musical special na ito sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Pero, ang pinakama­laking sorpresa sa lahat ay ang showdown sa pagitan nila ng kanyang mahigpit na katunggali noon sa mga amateur singing contest na si Eva Castillo.

Si Eva nga ang tumalo kay Regine sa halos lahat ng contest na sinalihan nila. Napaiyak nga raw ang dalawa sa showdown na `yon. Nagsilbing way kasi `yon para magkita silang muli, matapos ang mahabang panahon.

Ang Regine... Roots to Riches ay mapapanood bukas sa SNBO sa GMA.
***

Meanwhile, 30 estud­yanteng mahihirap na­man pero matatalino ang pa­rarangalan ng Eat Bulaga ngayong tang­hali, bilang pagdiriwang ng Tatlong Dekads Ng Dabarkads ng programa.

Tatanggap ng Excellence Student Awards at regalo ang mga batang ito ngayong tanghali mula sa TAPE, Inc.

Say ni Malou Choa-Fagar, sa halip na magarbong set, costume at produc­tion numbers ang ihandog nila sa kanilang ika-30 taon, minabuti nilang tuparin na lang ang mga pangarap ng mga kabataang ito.

Ang 30 batang anak-mahirap na pararangalan ng Eat Bulaga ay sina Yllor T. Sedol (salutatorian sa Quirino Elementary School, Quezon City), Joyce May E. Gilboy (salutatorian sa Mayao Crossing Elementary School,

Lucena), Grace Angela D. Pocyoy (valedictorian sa Pinsao Elementary School, Benguet), Caroline Faith V. Vidan (valedictorian sa Sta. Clara Elementary School, Batangas), Melvin M. Dugan (valedictorian sa Napindan Elementary School, Taguig);

Jaydee N. Lucero (salutatorian sa Camarin D. Elementary School, Caloocan), Angela Wella Lacsa (valedictorian sa Bangkal Elementary School, Bulacan), (SUNDAN SA P. 10)

Regine T.Benito (first honorable mention sa Don Manuel Abella Elementary School, Camarines Sur), Sylvan Dan M. Moldes (valedictorian sa Hulo Elementary School, Mandaluyong), Rosette Caballero (first honorable mention sa Malinta Elementary School, Valenzuela);

Shaira C. Pateño (valedictorian sa Lagtang Elementary School, Talisay, Cebu), Hannah Rose I. Sibi (salutatorian sa Amparo Elementary School, Amparo, Southern Leyte), Nikko Angelo L. de la Rosa (salutatatorian sa Kalibo, Pilot Elementary School, Aklan), Jennylyn A. de la Cruz (valedictorian sa Sapa Elementary School, Pampanga), Kate Marie N.

Viray (salutatorian sa Platon Elementary School, Laguna);
Joshua A. Estrella (valedictorian sa Salian Elementary School, Bataan), John Lancer Fabon (salutatorian sa F. Benitez Elementary School, Makati), Maribel V. Singian (valedictorian sa Don Pequeño Elementary School, Iloilo), Romar Angelo D. Ponce (first honorable mention sa P.

Burgos Elementary School, Pasay), Joshua Arvin A. Aguayo (valedictorian sa San Antonio Elementary School, Ilocos Sur);

Almira Bless B. Amorado (valedictorian sa Zapatera Elementary School, Zapatera, Cebu City), Angebert L. Baguhin (first honorable mention sa East City Central School, Cagayan De Oro), Rica Daniella Sapigao (valedictorian sa Torres Bugallon Elementary School, Pangasinan), Isah Clarise B. Lilia (valedictorian sa Dr. Albert Elementary School, Manila), Ma. Myka S. Barbilla (valedictorian sa Don Rodolfo A. Medel Sr. Elementary School, Bacolod);

Hanelyn Mae B. Milca (salutatorian sa Tugbok Central Elementary School, Davao), Prince Jomari M. Soriano (valedictorian sa Mayapyap Elementary School, Nueva Ecija), Ara Q. Lambon (valedictorian sa Milagroso Elementary School, Leyte), Marjorie Pagulayan (salutatorian sa Parabba Elementary School, Tuegegarao), Cleo de la Torre (first honorable mention sa Polo Elementary School, Zamboanga Del Norte).

Source: Abante