|
|
| Regine namigay ng isang truck na groceries sa biktima ng bahaAuthor: Joe Cezar PANALO talaga! Umabot sa P34 milyon ang hinakot sa takilya ng pelikulang Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie nina Ogie Alcasid at Michael V, na handog ng GMA Films at ATP Entertainment, sa first week showing nito kahit pa binabayo ng bagyong Ondoy last Saturday and Sunday (Sept. 26 at 27, respectively) ang Metro Manila, Rizal at Calabarzon. Walang takot na naki-pagbakbakan ang pelikula kay Ondoy huh! Sa thanksgiving party na ibinigay ng Spoiled Brat Movie, nagpapasalamat si Ogie Alcasid sa suporta sa kanilang movie ni Michael V, na 'di nakarating at nagpahatid na lang ng kanyang pasasalamat sa lahat nang sumuporta sa pelikulang dinirek ni Mark Tuviera. Magkakaroon naman ng proyekto si Ogie at iba pang kaibigan (JayR, Rowell Santiago and others) para ma-katulong sa nasalanta ng bagyong Ondoy, entitled Kaya Natin 'To. Ito ay nakatakdang ganapin sa Araneta Coliseum sa November 14. Ayon kay Ogie, mura lang ang tiket dahil biro ng songwriter/comedian/TV host, siya pa lang ang artist. Nakatakda pa niyang kausapin ang kapwa niya singers at ilang mga artista. Yes! Libre lang ang ser-bisyo ng Kapamilya at Kapuso stars para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Dagdag pa ni Ogie, hindi raw nakasipot si Regine Velasquez sa SOP last Sunday dahil nag-grocery ito ng bigas, sardinas at iba pang pagkain. Kahit inaatake ng migraine ang singer nu'ng araw na iyon ay hindi nito inalintana at namigay pa sa mga biktima ng baha sa Pasig, Quezon City at iba pang lugar. Palagay nga namin ay umabot ng isang truck ang ipinamiling grocery ni Regine na ipinamahagi nila ni Ogie. Knowing Regine at Ogie, malapit sa kanilang puso sa mga mahihirap nating mga kababayan. * * * Sa Linggo ng gabi sa Reunions sa QTV 11, sa bago nitong timeslot (8:15 pm) ay mapapanood ang kuwento ng isang lalaki na ina-nod ng baha at napahiwalay sa kanyang pamilya noong kasagsagan ng bagyong Ondoy nu'ng Sabado. Makikita kayang muli ng lalaki ang kanyang pamil-ya? Malalaman ang sagot sa kabuuan ng programang ito sa Linggo na ang host ay si Jessica Soho. * * * Ngayong gabi ay si Anjo Yllana ang uupo sa hot seat sa Who Wants To Be a Millionaire, hosted by Vic Sotto. Uuwi kayang milyonaryo si Anjo? Pagkatapos nito, ang kontrobersyal na si Mari-car Reyes ang bisitang artista sa Midnight DJ. Ang dalawang shows ay napapanood sa TV5. Source: Taliba |