|
|
| Regine, palihim na nagluto ng pagkain para sa mga biktima ni OndoyAuthor: Jun Nardo TAMA si Joey de Leon sa pahayag nito sa 24 Oras na, “Panahon ngayon ng salbabida at hindi ng pagbibida!” Kasi naman 'yung mga ibang celebrities at pulitiko riyan, kung maka-announce ng donasyon, para bang utang na loob pa ng mga biktima ang tulong sa kanila, huh! 'Yung ibang pulitiko naman, aba, with matching TV cameras pang nakatutok habang nagbibigay ng tulong sa nasalanta! Ano 'toh? Si Regine Velasquez nga, lihim na nagluluto ng pagkain at pina-pack upang ipamigay, pero binuking siya ng boyfriend na si Ogie Alcasid sa good deeds niyang ito, huh! Tama lang naman si Ogie nang hindi masabihang insensitive ang Songbird sa mga kapus-palad! Maging ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, aba, kung hindi in-announce ni Kris Aquino sa Showbiz News Ngayon na kusang bumalik ang mag-asawa sa village nina Gladys Reyes upang mamigay ng bottled water, hindi pa ito malalaman ng publiko! Ang mag-asawa ang tumulong kay Gladys sa kasagsagan ng bagyong Ondoy nang ma-trap sa bahay nila. Ang nakakatuwa ay si Ruffa Gutierrez. Talagang nanawagan sa mayayaman niyang friends na mag-donate sa Sagip Kapamilya! As if wala siyang yaman, huh! Ha! Ha! Ha! Tumulong din si Pops Fernandez sa pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta sa Muntinlupa na malapit sa bahay nila sa Alabang. Fresh na ang dating ni Pops na nu'ng Linggo ay umaangal dahil sa nawalan ng tubig ang village nila! Wish nga ni Pops matapos maminsala ni Ondoy, bigyang-pansin ng mga politicians ang drainage sa Metro Manila upang hindi na maulit ang super-baha na pinagdudusahan hanggang ngayon ng mga Pinoy! Nakakatuwa ngang malaman na magkatuwang ang Channels 2 at 7 sa pangangalap ng donasyon para sa kababayan nating nasalanta ni Ondoy. Milyones talaga ang nagbibigay ng donasyon sa kanila, huh! Eh, kung ang ABS-CBN at GMA na lang ang magpagawa ng drainage sa Metro Manila upang hindi na maulit ang delubyo, aba, makabuluhang legacy 'yan ng warring networks! Ang bagyong Ondoy na nga raw ang pinakamalupit na bagyong humagupit sa bansa sa loob ng apat na dekada, ayon sa tinuran ng mga naging biktima. Hahayaan ba nating maulit ang pangyayaring ito sa ating susunod na henerasyon? Aba, the power is in our hands sa darating na eleksyon! Huwag hayaang mamayaning muli ang mga corrupt na politicians! Tama na! Sobra na! Tigilan na! Source: Abante |