|
|
| Regine, tunay na reyna ng GMA![]() Author: Alfie Lorenzo WALA na ngang dahilan para magtampo pa si Regine Velasquez sa GMA 7. Eh, heto nga at ibinibigay na sa kanya ang lahat ng importansiya, at ipinaparamdam talaga sa kanya ng GMA na siya talaga ang tunay na reyna nila, no! Aba, sa Sunday nang gabi (SNBO) ay imbitado ni Regine ang lahat ng mga nagmamahal sa kanya, para sa espesyal na selebrasyon ng kanyang birthday, ang The Best of Me. Siyempre, join ang mga friends niya sa pagkanta sa kanya, tulad nina Jay-R at Kyla. Pero, ang dapat daw abangan ay ang dalawang special guests niya. *** Sa May 2 naman ay nandiyan ang grand coronation night ng Reyna ng Aliwan, na ihu-host ni Bobby Yan. Sina Gian Magdangal at Jay-R ang mga special guests. Magpapakitang gilas sina Isay Alvarez at Robert Sena, pati na ang mga ethnic musicians na sina Diwa de Leon, Benny Sokkong, Julliard Vergara, Jay Cayuca, pati na sina Luke Mejares at Pido Lalimarmo. Matindi nga ang preparasyon ng Manila Broadcasting Company at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, kasama ang mga lungsod ng Maynila at Pasay sa okasyong ito. Sa tulong ng Smart Buddy, Tanduay, Enervon, Biogesic, Coca-Cola, Scotch Brite, Dunkin' Donuts, at McDonald's. Source: Abante |