Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Regine-Dingdong team-up, nabulilyaso!

Author: Nitz Miralles

Manghinayang kaya si Dingdong Dantes sa tsikang bago ibigay sa kanya ng GMA-7 ang Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven, binalak daw na pagsamahin sila ni Regine Velasquez sa isang soap?

Magkaibigan at matagal nang gustong makatrabaho ni Dingdong ang Songbird at nabulilyaso pa dahil ang STH ang kanyang gagawin at si Regine nama'y nasa Totoy Bato pa.

Dapat daw, kasama sa Regine-Dingdong project ang loveteam nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, pero ang latest, ibang project na ang ibibigay sa magka-loveteam.

Nakakatuwa palang pati fans ay involved sa paghahanap ng gaganap sa role ni Jodi, may kani-kanya silang choice at may comment kung bakit hindi bagay for a certain actress ang role.

* * *

Napapanahon ang May 20, showing ng Litsonero, dahil sa comment ni Anthony Bourdain, author at host ng No Reservations, na ang lechong Cebu ay "the best pig in the world. "

Sabi rin ni Direk Lore Reyes, gagamitin niya ang comment ni Mr. Bourdain to promote the movie.

Ang Litsonero ang first movie ng Sine Direk Series na syinut at una ring nakaranas ng hirap.

Sa Paris dapat ang location nito, pero nang magpapadala na sila ng sulat sa Lufthansa para makipag-ex-deal, saka nag-pull-out sa 'Pinas ang airline, ang ending, sa Macau sila nag-shoot at sinagot ni Paolo Contis ang gastos.

Umaasa si Direk Lore na may part two ang Sine Direk Series next year dahil may gustong mag-sponsor. Wish din nitong matuloy ang plano ni Direk Maryo J. delos Reyes na maipalabas ang six movies sa Bohol International Film Festival.

* * *

Hectic ang promo schedule nina David Cook at David Archuleta para sa May 16 concert nila sa MOA Concert Grounds.

Pagkatapos ng meet-and-greet kahapon ni Archuleta sa MOA, maggi-guest siya sa Sis mamaya at didiretso raw sa Eat Bulaga.

Sa gabi ang presscon nila ni Cook na sana naman, sabay silang humarap sa press, 'no!

Mai-interview din sila ni Mo Twister sa Magic 98. 9 TM today, si Cook naka-schedule ng 3 p. m. at 4 p. m. naman si Archuleta. Guest din sila sa 24 Oras bukas, Friday, at sa Saturday, bibisita si Cook sa Eat Bulaga.

Tig-60 minutes ang performance ng dalawang David at isa sa mga kakantahin ni Cook ay ang composition na Permanent, na dedicated sa older brother niyang pumanaw dahil sa cancer two weeks ago.

Dumating sila with their entourage numbering 20 to 25, kasama rito ang kani-kanyang banda.

* * *

Nagkabalikan nga si LJ Moreno at ang basketeer na si Jimmy Alapag, na naging nobyo for sometime ng Star Magic talent na si Gemma Fitzgerald noong break sila.

"Hindi ko siya kilala" ang sagot ni LJ nang usisain sa ex ng nakabalikang boyfriend at dinagdagan pa ng "Ayoko ko siyang pag-usapan. "

Three months nang nagkabalikan ang dalawa at sabi ni LJ, happy pareho ang families nila na boto sa kanilang relasyon.

Pero, wala pa silang balak magpakasal dahil busy sila sa kani-kanyang career.

Si LJ ay nag-guest sa Maruja at host ng Celebrity Real Life Stories ng Viva Cinema. Na-feature na sa show sina Fanny Serrano, Billy Crawford, Jon Avila, Vice Ganda at Rufa Mae Quinto.

Source: People's Tonight