|
|
| Reklamador na aktres, bida na sa bagong soapAuthor: Nitz Miralles Wala nang mairereklamo ang aktres na ito na hindi siya binibigyan ng lead role sa soap dahil bida na siya sa next soap niya. Naringgang nag-dialogue ang aktres na marami ang pumapasok na artista sa kinabibilangang network, pero siyang homegrown talent ay nilalampasan at madalas ay supporting pa rin ang roles na pino-portray. Mabuti na lang at bago pa makaisip lumipat ng ibang network, binigyan na ng maganda at big project ang aktres. 'Yun nga lang, hindi pa rin niya solo ang next soap dahil marami sila sa cast. Sexy, maganda, magaling at marami ang fans ng aktres, time na niyang mag-shine! * * * Premiere night mamaya ng Tarot sa SM Megaall at mapapanood na kung gaano nakakatakot ang pelikulang muling pinagtatambalan nina Dennis Trillo at Marian Rivera. Sa August 26 naman ang showing ng pelikula sa direksyon ni Jun Lana. Dahil sa sunud-sunod na horror movie na ginawa, "horror king" na ang tawag kay Dennis na tinanggap nito ng buong puso dahil totoo at nag-i-enjoy naman siya. Last two weeks na pala ng Adik Sa 'Yo at hindi pa alam ni Dennis kung ano ang next show niya sa GMA-7. Hindi raw siya gaya nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes na hindi pa man tapos ang soap, may naka-line-up na agad na project. Sinabi niya ito nang walang halong inggit at nagsasabi lang siya ng totoo, kaya nagsisipag siyang maabot ang estado ng dalawa. Anyway, Monday sa Adik Sa 'Yo, sinundan ni Ruben (Dennis Trillo) si Camille (Pauleen Luna) na umuwi sa Batangas to prove na mahal niya ito. Naglayas naman si Karen (Jennica Garcia) sa bahay nila at umalis din si Luigi (Joey Marquez), kaya ibebenta ni Stella (Beth Oropesa) ang kanilang mansion. Gagawing assistant ni Madam F (Eugene Domingo) si Karen. * * * "Finally" ang favorite word ni Gretchen Espina sa launching ng kanyang Shining Through album under Sony Music dahil paulit-ulit niyang binanggit. Ang Kasalanan Nga Ba? ang carrier single ng 11-track album at may bonus na RnB version ng nasabing kanta. Isa sa ikinatutuwa ni Gretchen sa paglabas ng kanyang album, bumalik din ang fans niya during Pinoy Idol days at may mga nadagdag pang sumusuporta sa kanya sa S. O. P. at sa kanyang mall tours to promote her album. Bukod sa mas gumandang boses at mas hasang performance, napansin ng press na mas gumanda si Gretchen at may naniwalang ipinaayos niya ang kanyang ilong, pero walang naglakas-loob na magtanong. Puwede ring kaya mas napansin ang ilong ng dalaga dahil pumayat siya na oatmeal lang halos ang kinakain. Ang iba pang songs sa album ni Gretchen ay So Slow, One More Try, Suntok Sa Buwan, Pangako Sa 'Yo, I Promise, To You, Never In My Life at iba pa. * * * Sa Rosalinda, hindi mapatawad ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) si Rosalinda (Carla Abellana) nang malamang dinala nito ang anak nilang si Erika. Malalaman nina Javier (Gary Estrada) at Lucy (Kristal Reyes) na si Rosalinda at 'di si Fedra (Katrina Halili) ang anak ni Soledad (Glydel Mercado). Pupunta sa Hongkong si Fedra kasama si Rodora (Carlene Aguilar), hindi pa nito alam ang totoo. May kumuha kay Erika at nag-panic si Rosalinda at hahanapin ang anak. * * * TB Awareness Month ang August at sa report ni Kara David sa I-Witness na Hingalo Ni Bunso, may mga na-interview ang host na may ganitong sakit at kita kung paano naghihirap lalo na ang mga batang dinapuan ng TB. Matagal nang napuksa ang sakit na TB sa ibang bahagi ng mundo, pero bakit sakit pa rin ito ng maraming Pinoy? Ang kuwento ng two families na may mga sakit na TB ang ipi-present sa I-Witness na mapapanood this Monday after Saksi. Source: People's Tonight |