|
|
| Reklamo ng fans ni Marian Rivera kontra Mark HerrasAuthor: Mell T. Navarro AYAW ng fans ni Marian Rivera na si Mark Herras ang maging love interest nito bilang si Efren sa Darna, ang 2009 version ng GMA7. Mas type nila si Mark Anthony Fernandez dahil mas bagay ito umano sa kanilang idolong si Marian. Pero, paano nga kaya kung si Mark Anthony ang mapili ng Kapuso Network na maging leading man naman ni Car-la Abellana sa launching soap nitong Rosalinda? Sinong Mark ang ma-pupunta sa Darna at ma-giging next leading man ni Marian after Dingdong Dantes: si Herras o si Fer-nandez? From our email, narito po ang liham mula kay Clara Belmonte (belmonteclara @yahoo. com), isang Marian Rivera fanatic: "Fan po ako ni Ms. Marian and I'm not happy sa news na si Mark Herras ang partner niya sa Darna. Nawala bigla ang excitement ko sa show na ito. "Marami pong fans si Marian na ayaw kay Mark Herras. "Kami pong mga Ma-rianknights ay nadidismaya instead na matuwa sa balitang ito. Kahit po sumilip pa kayo sa iba't ibang forums (sa internet), makikita n'yo na negative ang reaction about this. "Dapat, bongga ang Darna dahil kailangang talbugan ang dating Darna ng GMA. Dapat bongga din po ang leading man. "Si Mark Herras ay hindi bagay kay Marian, he is short and skinny . "Ang bagay po kay Marian ay mataas, guwapo at hunk ang da-ting para maging ka-level man lang ng dati niyang partner na si Dingdong Dantes. "Approved po sa aming mga fans si Mark Anthony Fernandez. "Huwag na po sa-nang ipilit si Mark Herras kay Marian. Wala po tala-gang chemistry. Sana ma-ipaabot ninyo ito sa GMA7. Salamat. " * * * BONGGA ang Heavenly Touch nina Paolo Serrano, Gwen Garci, Marco Morales, at Joash Balejado dahil due to insistent public demand, extended ang showing nito sa mga sinehan this week. Normally, 'pag hindi nag-hit ang isang film ay hanggang one week lang ito sa movie houses. Kaya naman very happy si Direk Manny Valera ng DMV Entertainment, producer ng Heavenly Touch, dahil patok sa ta-kilya ang said Joel Lama-ngan film, na mas tinalbu-gan ang first venture nilang Walang Kawala, in terms of box-office. Malaking bagay ang naging word of mouth sa gay circuit dahil naging curious ang mga gay fans kung ano nga ba ang 'ma-kikita' sa sexy film na sinulat ni Eric Ramos. Good feedback din ang natatanggap ni Paolo sa kanyang biggest break sa film, dahil maganda ang rehistro nito at relaxed umarte, which, sad to say, ay hindi ma-sasabi kay Joash na binig-yan ng bida role, pero marami ang nakulangan sa performance. Sayang! Pero mapa-ngahas rin ito dahil may frontal nudity siya, huh! Ang Heavenly Touch ay palabas pa rin sa Robinson's Galeria at Ermita, among others. * * * MAY one-on-one interview si Mike Enriquez sa kontrobersiyal na si Katrina Halili tungkol sa sex video scandal nito with Hayden Kho sa kanyang Imbestigador sa GMA7. Cry-me-a-river ang drama ni Katrina sa kanyang statement: "Sobrang sakit po ni-to, pero kailangan kong lumaban. Sobrang pambababoy ang ginawa ni-la sa akin. Kasi, sa vi-deo, hindi na intimate ang nangyari,kundi pa-rang panggagahasa na ang ginawa niya! Sabi, ang itinuturong 'salarin' sa pagkalat ng video sa Internet ay ang lalaking kaibigan ni Hayden na nagnakaw ng files nito from Hayden, dahil babae ang pinag-awa-yan ng dalawa. "Sana, bago nila ginawa 'yon. .. Grabe, pa-rang hindi sila tao. .. para silang demonyo! Napakawalanghiya nila," umiiyak na litanya ni Katrina. Source: Taliba |