|
|
| Reklamo ng press, reremedyuhan ni AljurAuthor: Nitz Miralles HABANG tina-type namin ang column na ito, wala pang follow-up kung matutuloy ang naka-schedule na presscon ni Annabelle Rama today. Sa unang text nito, walang venue at time ang presscon at ipa-follow-up na lang daw. May bago pa namang isyu na si Annabelle lang ang makakasagot at ito'y ang pakikipag-meeting ng parents ni Heart Evangelista kay GMA-7 CEO Atty. Felipe Gozon. Ang sabi, dapat kasama si Annabelle bilang co-manager ng actress, pero dahil nagpapa-implant ng mga ngipin, hindi na lang sumama. Ang prosesong ginagawa sa ngipin daw ang rason sa biglaang pananahimik ng talent manager. Kung nagkaayos na ang parents ni Heart at si Atty. Gozon, wala na sigurong problema sa next project ng actress sa network. * * * KABADO ang magka-loveteam na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa Monday pilot ng Dapat Ka Bang Mahalin? at may rason para sila kabahan. Bukod sa launching nila ito, roles pa nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa pelikula ang kanilang ipo-portray at alam nilang may fans ang dalawa na manonood at ikukumpara ang acting nila kina Sharon at Gabby. Pampalakas nila ng loob ang sinabi ni Direk Maryo J. delos Reyes na bagay sa kanila ang istorya at nagagawa nila nang tama ang mga eksena. Bumilib din ang director dahil walang reklamo sina Kris at Aljur sa kissing scenes nila at may love scene pa raw. Ipinarating pala namin kay Aljur ang reklamo ng ilang press people na hindi siya nag-i-effort na alamin ang kanilang mga pangalan, gayung madalas nila itong naiinterbyu. Nangako itong gagawan ng paraan ang reklamo ng press. Tungkol naman sa tsikang pinapantasya siya nina Angelu de Leon at Rufa Mae Quinto, natutuwa at flattered si Aljur na natitipuhan siya ng dalawa. Pero, si Kris, natataranta na nadaragdagan ang nagkakagusto sa ka-loveteam at dumarami ang kaagaw niya rito. * * * NGAYONG gabi sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, magiging basura na si Homer (Dingdong Dantes), magmumukha siyang taong-grasa. Sa labas ng bar, makikita siya ni Proserfina (Marian Rivera) sa ganu'ng kalagayan at maaawa sa kanya ang dalaga. Pupuntahan ni Heleen (Angelu de Leon) si Homer sa bahay nito, pero hindi niya madaratnan ang binata. Magugulat si Heleen sa makikita sa kuwarto ni Homer. Source: People's Tonight |