|
|
| 'Relasyon' kay Patrick, itinanggi ni Glaiza!Author: Abante TILA natutulala at hindi makasagot si Glaiza de Castro kapag si Patrick Garcia na ang pinag-uusapan. Sabi nga, 'yun na raw ang senyales na in love na si Glaiza, at kay Patrick nga 'yon. “Eh, darating din naman po sa ating lahat 'yung ganoon. Siguro po, gradually nararamdaman na lang natin 'yun. Wala pa ko sa point na ganoon,” sambit ni Glaiza. Itinanggi ni Glaiza na nasa M.U. stage na sila ni Patrick, kahit may mga tao sa paligid nila na nagsasabing getting there na talaga sila. “Ay, wala pa po. Mas naging open lang siya ngayon.” Hindi pa rin ba panliligaw ang ginagawa ni Patrick sa kanya ngayon? “Hindi! Ha! Ha! Ha!” So, ano lang 'yon? “Special friend lang. Kasi, ngayon pa lang naman kami nagkakausap ng ganito. At saka, hindi naman po ako ang puwedeng magsalita roon.” Pero, may pag-asa ba si Patrick sa kanya? “Tingnan na lang natin. Ha! Ha! Ha!” Boto naman daw ang parents mo kay Patrick. “Well, sa case naman nila, kung saan daw ako masaya, at kung sinuman ang makakapagpasaya sa akin, go na lang nang go! Ha! Ha! Ha!” Wala bang kaso sa kanya na may anak na si Patrick? “Well, kung nakita mo sa taong ito ang pagmamahal, parang bakit magiging hindrance 'yung nakaraan niya kung magbabago naman siya at talagang mahal ka niya,” say ni Glaiza. On the other hand, ikinuwento ni Glaiza na kinakabahan siya kapag halikan na nila ni Dingdong Dantes ang kinukunan para sa Stairway To Heaven. “First time ko siyang makatrabaho. Sa workshop, medyo nailang pa ako sa kanya. Hindi ko talaga na-imagine, hindi ko na-expect na masasama pala ako sa ganito kalaking project,” sabi na lang ni Glaiza. Source: Abante |