|
|
| Relasyong Sam - Anne at Zanjoe - Mariel binuking ni KrisColumn: Tell & Tell Nagkaaminan na, nagkabukingan na! We are referring to Sam Milby and Zanjoe Marudo nu'ng mag- guest sila sa Wheel of Fortune ni Kris Aquino nu'ng Lunes ng gabi. Bago kasi mag-spin ng wheel, tinatanong muna ni Kris ang player. Nang tanungin nito si Sam kung sino ang kasama niya, si Anne Curtis ang itinuro nito sa may audience gallery. "Ano mo siya, kapamilya, kaibigan, iniibig?" tanong uli ni Kris kay Sam. "All of the above," ang nakangiting sey naman ng aktor. Siyempre, hindi lang si Kris ang kinilig, kundi si Anne rin. Si Mariel Rodriguez naman ang itinuro ni Zanjoe na kasama niya. Inulit ni Kris ang tanong. .. "Ano mo siya, kapamilya, kaibigan, iniibig?" Ang sagot ni Zanjoe na walang ka-buckle-buckle: "Iniirog!" Sa facial reaction ni Mariel, hindi na itech makapagdedenay. O, ayan Mariel, ha, natupad na ang payo sa iyo ng manager mong si Boy Abunda na dapat ang lalaki ang unang umamin sa kung anumang relasyon meron kayo at hindi dapat sa babae unang manggaling 'yon, tsuk! Hay naku, tinatayang P16. 5 milyon na ang naipamigay ng Wheel of Fortune sa loob lang ng halos apat na buwan at patuloy pa nitong binabago at pinaiikot ang kapalaran ng mga manlalaro rito. Subukan din ang inyong suwerte at i-type ang Studio WOF (name/edad/kasarian/tirahan) at ipadala sa 2366 (Globe at Sun subscribers) or 231 (Smart) para maging studio contestant. Para naman sumali sa "Solve the Puzzle" text promo, ipadala ang sagot by typing in WOF <answer> at i-send sa 2366. Mag-register lang sa pagte-text ng WOF reg (name/age/gender/address) sa parehong numero. And take note, ang isa sa PBBTE Plus housemate na si Jolas ay malaki ang pagkakahawig kay Zanjoe, ha! Younger at mas handsome version nga lang. Napansin din kaya ito ni Mariel sa kanyang segment na PBBTE Plus Uber tuwing 5:30 p. m. ? Aalamin natin 'yan, pramis! * * * Speaking of PBBTE Plus, nominated na naman this coming Sabado night si Bikini Babe Linda. Dalawa silang nominado ng coño kid from Spain na si Kevin, na talagang parang carbon copy ng dyowa noon ni Ate Guy na si John Robert Porter Jr. , tsuk! And in fairness, parehong may itsura pa naman ang dalawang nominado, ha! So, bahala na kayo kung sinex sa kanila ang gusto n'yong ma-evict sa Sabado. * * * LaUGHTer is the best medicine, kaya kung kayo ay nagkaka-stress nang dahil sa init ng panahon at krisis sa bigas, puwes, panoorin n'yo ang Manay Po 2: Overload, na showing na today, April 16. Yezzz, kakabagan kayo sa kabaklaan ni Rufa Mae Quinto, as in, mas bakla pa siyang umarte kesa kay Polo Ravales. Hindi rin naman nagpatalbog sa kabaklaan sina John Prats, Jiro Manio, Sid Lucero at I. C. Mendoza. At lalong hindi nagpatalbog si Cherry Pie Picache kay Rufa Mae, lalo na sa eksena sa gitna ng dagat kung saan lumundag ito para sugurin si Christian Vasquez at ang kasamang girlash, hahaha! Dito sa parteng ito talaga sumakit ang tiyan namin sa katatawa, in fairness. So, Mother Lily Monteverde, make more comedy pics like Manay Po 2: Overload para hindi naman maramdaman ng mga utaw ang krisis sa food, lalo na sa bigas. Kesa mapraning sa pagpila sa NFA rice, pumila na lang kayo sa Manay Po 2: Overload. Hindi n'yo na kakailanganin ng bigas dahil mabubusog kayo sa kabag paglabas ng sinehan, tsuk! Source: People's Tonight |