Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Relasyong Shaina-John, lumalalim

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'ni Spicy

Inamin ni Claudine Barretto sa solo presscon niya sa Iisa Pa Lamang kahapon na sa dalawang leading men niya sa serye — sina Gabby Concepcion at Diether Ocampo — mas nahirapan siya at mas nailang sa mga eksena nila ng huli.

"Kay Diet talaga ako nagkaproblema. More than Gabby, it's Diether na nagkakailangan kami because we're best friends matagal na. Nag-start 'yung pagiging mag-best friends namin, I think, du'n sa Dahil Mahal na Mahal Kita. Pero kelan lang nalaman ng tao 'yun. Du'n lang yata sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin nila nalaman na mag-best friends kami.

"So, parang ang tingin ko at tingin niya sa akin, kapatid. Kaya parang 'Yuck!' Talagang ang tagal bago nakunan 'yung ano (love scene) namin. Uminom pa kami ng wine para lang hindi kami magtawanan or mailang sa isa't isa," kuwento ni Claudine.

Surprisingly, with Gabby, na first time niyang makatrabaho, ayon sa aktres ay hindi siya nahirapan.

"Kasi si Gabby, kahit feeling ko, close na close na kami, hindi ganu'n masyadong nakakanerbyos with Gabby kasi parang trabaho lang talaga. Kasi, wala naman kaming pinagdaanan together na solid. So, it's easier to work with someone na hindi mo pa nakakatrabaho as long as nakikita mo 'yung willingness niya at saka 'yung pagka-professional niya. Eh, ang galing naman ni Gabby, parang hindi nawala. "

Tinanong si Claudine kung ano ang reaksyon ng asawa niyang si Raymart Santiago sa kissing scenes niya at say ng aktres, "You know, we don't talk about it. Kami ni Raymart, we've developed a deeper sense of understanding each other. Siguro it's because we're both in show business and also because mataas ang respeto ng mga nakakatrabaho or ng nagiging leading men ko kay Raymart. I make sure na nagiging magkaibigan sila.

"Like si Diet can call Raymart anytime, kahit madaling araw, he can even call me. Kasi, ganu'n na 'yung tiwala nila, and ganu'n din with Piolo (Pascual) and ganundin with Aga (Muhlach), mas lalo na, na parang kahit saan kami magpunta, kahit na kaming dalawa lang, alam ni Raymart na walang gagawing masama itong taong 'to. Or vice-versa. Or hindi magloloko 'tong asawa ko. Grabe ang respeto nila sa isa't isa. "

Kaya nga raw talagang hinahanapan niya ng oras ngayon na magkakilala sina Raymart at Gabby. Dapat nga raw ay magla-lunch ang aktor sa bahay nila, pero hindi pa natutuloy.

Ipinakita sa press ang full trailer ng Iisa Pa Lamang na malapit nang i-ere mula sa direksyon nina Ruel Bayani at Manny Palo.

The powerhouse cast also includes Susan Roces, Angelica Panganiban, Laurice Guillen, Joel Torre, Matt Evans and Melissa Ricks.

* * *

Hiyang-hiya si Shaina Magdayao nang dumating sa set ng Your Song sa Taytay, Rizal, dahil ang tagal daw naghintay sa kanya ang co-stars na sina Jake Cuenca at Marvin Raymundo.

Alas-siete pa lang ng umaga, nasa location na ang staff at cast, pero nakarating si Shaina pasado alas-dose na ng tanghali dahil galing pa sa taping ng Lobo.

Pero, naiintindihan naman siya ng dalawang male co-stars at naawa pa sa kanya dahil wala pa siyang tulog.

Excited si Shaina sa role niya sa Your Song dahil tulad din ng Lobo, medyo mature na rin ito.

First time rin nila itong magtatambal ni Jake at natutuwa siya na sa mga proyekto niya, nabibigyan siya ng chance na makapareha ang iba't ibang aktor.

Kinumusta namin ang dati niyang kaparehang si Rayver Cruz at say ni Shaina, nagkakasama sila sa ASAP '08 at okay sila.

Pati nga raw ang fans nila ni Rayver, nakikita pa rin niya at hindi totoong nagalit ang mga ito sa kanya tulad ng napabalita dahil sa biglang pagpasok sa eksena ni John Prats.

"Siguro, normal lang po 'yung reaksyon ng fans na kung gusto nila 'yung loveteam, tapos biglang hindi na magkakasama sa project, kahit ako man po 'yun, mahe-hurt ako.

"Pero 'pag kinakausap ko rin naman po sila, sinasabi ko na desisyon 'yun ng management at wala akong magagawa. "

Kinumusta namin sa kanya si John at kung opisyal na ba niyang mai-a-announce na sila na.

"Lagi ko naman pong sinasabi na kapag nagka-boyfriend ako, i-a-announce ko. Pero sa ngayon po, hindi pa po talaga. Pero siyempre po, 'yung sa amin ni John, I would say na lumalalim ang relasyon namin. Hindi ko mabigyan ng label kung ano 'yung relationship namin ngayon, pero hindi pa naman po kami," sagot ng young actress.

Okay na okay daw si John sa kanyang magulang, pati sa ate niyang si Vina Morales contrary sa naglalabasang tutol ang pamilya niya sa aktor.

"Dati po kasi talaga, nagagalit sila, kahit hindi naman si John, kahit 'yung iba pang guys. Like halimbawa, 'yung mga nagpapadala ng flowers sa akin, talagang sasabihin nila, 'no. ' Mga bata pa 'yung mga 'yun, kasing-age ko. Pero ngayon, okay na po.

"Kasi kahit naman si Ate (Vina), napagdaanan na rin niya 'yan, 'di ba? So, mas maganda na po 'yung alam nila kesa hindi nila alam. Alam po nila lahat ang nangyayari sa amin ni John, sinasabi ko. "

Dahil lagi siyang busy ngayon sa trabaho, iniintindi na lang siya ni John at sa ASAP '08 na lang sila nagkikita.

Minsan nga raw, hindi pa siya nakaka-attend ng variety show dahil tulad last Sunday, may taping siya ng Your Song.

Pero kahit hindi sila nagkikita everyday, sa telepono na lang sila nag-uusap.

Anyway, sa July 7 ay mapapanood na ang Your Song nina Shaina at Jake. Apat na Sundays ito tatakbo at may theme song na Million Miles Away ni Nikki Gil.

Source: People's Tonight