|
|
| Relief goods nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez sinarili ng barangay officialsAuthor: Gerry Ocampo NAKALULUNGKOT isi-pin na kung sino pa ang iniisip mong makatutulong pa-ra maipamahagi sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy ang relief goods na inihanda mo ay ang mga 'yon pa ang magsasamantala sa tulong mo. Sabi ng mapagkakatiwalaan naming source, yong inihandang relief goods ni-na Ogie Alcasid at Regine Velasquez para sa mga na-salanta ng bagyong Ondoy ay hindi nakarating sa mga kababayan nating nanga-ngailangan ng tulong. Ang suspect ay barangay leaders daw na siyang pinagdalhan ng mga inihandang goods nina Ogie at Re-gine para sila na lang ang ma-mahala sa pagdi-distribute sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo. Pero, hindi raw nakara-ting ang relief goods sa mga dapat tulungan. Kung totoong pinag-interesan ng mga taong dapat mag-distribute ang relief goods na inihanda nina Ogie at Regine, sa susunod ay hu-wag nang ipagkatiwala sa mga kawatang barangay leader na ito ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng anumang kalamidad sa kanilang lugar. At huwag na huwag iboboto ang mga ma-pagsamantalang ito pagsapit ng barangay election. * * * HINDI napigilan ni Boy Abunda na mag-react sa The Buzz sa mga batikos sa ka-nilang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Wika ni Boy: "Walang katotohanan na kaila- ngang magsama pa ng ar-tista para magbigay ng tulong ang Sagip Kapamilya sa mga nasalanta ng bag-yong Ondoy. Nauna nang nagbigay ng tulong ang Kapamilya na walang kasamang Kapamilya star. Sa-ka, if ever may sumamang artista sa pamamahagi ng relief goods, anong masama roon?" May naglalabasang malicious text messages laban sa ABS-CBN at Kapamilya stars, na diumano'y mula sa university students na tumulong sa Kapamilya Relief Center, na nagsasabing sobrang bagal ng distribution ng relief goods. Ayon pa sa text messa-ges, hindi raw nakikipag-coordinate ang mga taga-ABS-CBN sa gobyerno at diumano'y naghintay pa ng availability ng mga artista para isama sa pagbibigay ng relief goods sa evacuation centers. "Gusto kong sabihin sa mga nagpapadala ng text message na 'yon na 'yong piso na ginastos mo sa pag-kalat ng text na 'yon, sana number one, itulong mo na sa kapwa," gigil sa galit na reaction naman ni Kris. "Kakulangan ng trucks ang naging problema na-min. Kasi, 'di ba kahit marami tayong donations na natatanggap, kulang 'yong trucks para i-deploy ang mga 'yon. Dalawa ko pong vans ang ginamit para mag-distribute ng relief goods. Apat na vans naman ang ibinigay ng ABS-CBN," mahabang paliwanag ni Kristeta. * * * HINDI na nakatutuwa ang pinagsasabi ni Vicki Belo about Hayden Kho. Ipinagtanggol pa rin niya ang gumawa ng sex video kay Katrina Halili at iba pang artistang naging biktima. Hindi naman masisisi si Belo na ipagtanggol hanggang ngayon ang lalaking minamahal. Ang naging ka-salanan niya ay nagmahal siya sa lalaking akala ay tutumbasan ang masidhi niyang love dito. Sad to say, matapos gumawa ng hindi maganda sa kababaihan si Kho, sarado pa rin ang mga mata ni Belo. Lalong tumingkad ang 'pagkabaliw' ni Belo kay Kho nang sabihin niyang unfair na patawan ng lifetime suspension ang kanyang lover na doktor. Dahil hindi raw biro ang hirap, pera at pawis na ginugol nito para maging isang doktor. At unfair naman daw na tanggalan ito ng lisensya habambuhay. Eh, 'yong ginawa ni Kho na kababuyan kina Katrina Halili at iba pang celebrities, tama lang ba na kunsintihin? Balewalain na lang ba basta at bigyan ng 'pakunsuelong parusa' ang kababuyan sa kababaihan ni Kho? Kaya naman hindi masisisi si Sen. Bong Revilla na mag-react sa ginawang mababang parusa ng PMA kay Kho. Source: Taliba |