|
|
| Relief operation ni Pacman dinagsa ng celebritiesAuthor: Noel Asiñas DUMATING si Manny Pacquiao pasado alas-10 ng umaga sa GMA-7 kahapon para siya mismo ang mag-abot ng kanyang P1 million donation sa GMA Kapuso Foundation. Ibinigay ni Manny ang tseke sa special Sunday edition ng Unang Hirit host na si Paolo Bediones, na in turn ay agad ibinigay sa Kapuso Foundation. Pagkatapos ng appearance ni Manny nang live sa UH, ay nagtungo na ang convoy ng Pambansang Kamao sa relocation areas sa Angono, Rizal. Dalawang magkaharap na school sa Angono ang pinuntahan ni Manny para mag-distribute ng relief goods na mula sa kanyang sariling foundation. Umabot sa mahigit 1,000 bags ng relief goods ang ipi-namigay ni Manny na sakay ng isang malaking truck. Kasama ni Manny sa kanyang relief operation ang kanyang co-stars sa Show Me Da Manny na sina Benjie Paras, Lovi Poe, AJ Dee, Onyok Velasco, Tuesday Vargas at iba pa. Siyempre mawawala ba sa proyektong ito ni Manny ang personal friend niyang si Gov. Chavit Singson? Parehong nagkaroon ng coverage ang GMA-7 at ABS-CBN sa pagdi-distribute ng relief goods ni Manny. Madali namang natapos ang kanilang relief operation dahil naging very organized ang mga taong pumili sa da-lawang relocation sites. Katulong din ni Manny ang buong staff ng Show Me Da Manny, sa pangunguna ng program manager nitong si Ms. Ali Nokum-Dedicatoria. Pagkatapos ng pamamahagi ng goods ay agad na bumalik si Manny sa Baguio City at baka pagalitan pa siya ni Coach Freddie Roach. Ipinagbilin kasi ni Coach Freddie na dapat bago gu-mabi ay nakabalik na siya sa Baguio City para makapagpahinga para balik-training agad kinabukasan. Ni hindi na nga nakuhang pasyalan ni Manny ang kanilang bahay dito sa Maynila at along the way patu-ngong Baguio na nananghalian ang kanilang grupo. * * * KAHIT balitang-balita na buntis ngayon si Lian Paz, courtesy daw ng kanyang boyfriend na si Paolo Contis ay wala pa rin kaming naririnig kay Paolo kung totoo o hindi ang tsika. Ang nababalita lang ay ang dedmang reaksiyon ng ex ni Paolo na si Isabel Oli. Alam namin ay super-busy si Paolo sa kanyang showbiz commitments. Siya ang host ng OC To The Max na mapapanood every Tuesday night pagkatapos ng Telebabad ng GMA. * * * TUWANG-TUWA ang mga namamahala ng programa ng soap opera sa GMA-7 kay Glaiza de Castro. Kasi, very professional ang dalaga ni Mommy Cristy Galura. Laging on time sa set at never na sumipot sa set na hindi ready. Okay lagi ang wardrobe na isusuot kahit pa siya mismo ang gumastos masunod lang ni Glaiza ang hinihingi sa kanya ng script para magampanan ang role na kai-langan niyang i-deliver. Dahil sa ipinakitang professionalism at galing sa pag-arte ni Glaiza, marami na ang humuhula na siya ang susunod sa yapak ni Sunshine Dizon, na puwedeng ma-ging bida at kontrabida. Nagbida na rin kasi si Glaiza sa episode ng Dear Friend episode na "Igorota. " Maraming humanga sa kanyang acting bilang Igorota na nabuntisan ng kanyang boyfriend na hindi pinanindigan ang kanyang pagbubuntis. Nakita naman ang ta-pang at galing niya sa pagko-kontrabida sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin at ang kasalukuyang hit soap ng network na Stairway to Heaven. Role ni Glaiza si Eunice, ang pangunahing villain sa pag-iibigan nina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos). Kasama rin si Glaiza sa MMFF entry ng Regal Films na Mano Po 5, tampok naman si Sharon Cuneta. * * * PURDOY na raw ngayon si Blakdyak. Kasi, bumalik na naman daw sa pagiging unprofessional ang rocker na laking-Olongapo City. Kahit maraming naniniwala sa kakayahan niya bilang singer at comedian, tumatalo daw kay Blakdyak ang kanyang hindi magandang attitude kaya marami ang nanghihinayang sa kanyang talent. May tsika pang hindi na rin daw maka-afford si Blakdyak na umupa ng bahay kaya kung kani-kaninong kaibigan nakikitira. Sa totoo lang, marinig lang ang pangalan niya ng masa ay marami agad ang pumupunta kung saan siya may gig. Madali kasing ma-identify ang sarili nila sa buhay ng singer lalo na sa mga awitin niyang may hatak talaga sa masa. Anyway, tsismis lang naman ito at maaaring may hindi maniwala, kaya dapat ay makausap namin siya para maitanong kung totoo ang alingasngas na ito sa kanya. * * * HINDI mo na bibitawan ang istorya ng Ikaw Sana. Kasi ba naman kahit nagmamahalan na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa istorya, marami pa ring humahadlang. Sa episode this week ng Ikaw Sana, malalaman ni Gener (Tirso Cruz) na ang lala-king pinakasalan ni Eliza (Jennylyn Mercado) ay si Michael (Mark Herras), ang ex-boyfriend ni Sofia (Pauleen Luna). Kakamustahin ni Sofia kay Gener ang pagpapakasal ni Eliza ngunit hindi masabi ni Gener na si Michael ang asawa ni Eliza. Tanggap na rin sa wakas ni Don Ramon (Tony Mabesa) si Eliza. May magaganap sa pagitan nina Michael at Eliza. Magugulat si Sofia nang makita niya sa bahay nila si Michael, at siya pala ang pinakasalan ni Eliza. Galit na galit si Sofia at sisisihin niya si Eliza kung bakit nawala sa kanya si Michael. Magi-guilty si Eliza dahil nasaktan niya si Sofia at sa pagkakaroon ng salu-salo ng pamilya nina Michael at Eliza ay dadating sina Loreta at Sofia. Sasaktan ni Sofia si Eliza at mahuhulog ito sa pool at tatama ang kanyang ulo. Source: Taliba |