|
|
| RemakeAuthor: Nitz Miralles SA papasok na linggo, pipirma na ng multi-picture contract sa OctoArts Films si Katrina Halili at hindi siya maghihintay ng matagal for her first movie. Agad sisimulan ni direk Joey Reyes ang One Night Only na entry ng movie outfit ni Orly Ilacad sa Metro Manila Film Festival. Makakasama rito ni Katrina ang mga Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, at Valerie Concepcion. Hindi pa man nasisimulan ang first project ni Katrina, may kasunod na siyang project at ito'y ang remake ng Miss X ni Vilma Santos. Kundi kami nagkakamali'y, sa Amsterdam kinunan ang nabanggit na pelikula, du'n din kaya ang shooting ng movie ni Katrina? Kahit pala may Magdusa Siya, nakakaalis pa rin ng bansa si Katrina para mag-show. Ang next show nito'y sa August 23, sa Celebrity Center International, Franklin Avenue, Hollywood, California. Kasama niya rito sina Kris Lawrence at Jonalyn Viray. Samantala, kahit number two lang siya kay Marian Rivera sa FHM's Search for Sexiest Woman, dumating at rumampa si Katrina sa World Trade Center noong Huwebes ng gabi. Pasasalamat daw niya 'yun sa mga bumoto sa kanya. * * * NAIMPLUWENSYAHAN yata ng ka-love team niyang si JC de Vera si Yasmien Kurdi, dahil sa second semester, balik-eskwela na rin siya. Mag-i-enroll ang young actress ng International Studies sa New Era College, minor subjects lang muna ang kanyang kukunin at 'pag nakapasok sa UP, dito na niya kukunin ang kanyang major subjects. Kahit nag-aaral, hindi iiwan ni Yasmien ang kanyang career, pero pahinga muna siya sa soap ngayon at sa pelikula muna magko-concentrate. Nagpo-promote sila ni JC ng pelikulang Loving You ng Regal Entertainment na showing sa August 20. May sorpresa sina Yasmien at JC sa kanilang fans sa nabanggit na pelikula. First time niyang magtu-two-piece at may three kissing scenes din sila. Nag-topless naman ang actor at kahit boardshorts lang ang isinuot, naseksihan pa rin sa kanya si Yasmien. * * * DAHIL sa pagtu-two-piece sa Iisa Pa Lamang, biniro si Melissa Ricks na big threat siya kay Roxanne Guinoo, pero ipinagpilitan nitong magkaiba ang tinutumbok ng career nilang dalawa. Kung nagpapa-sexy si Roxanne, siya'y masaya nang mapasama sa comedy, horror, fantaserye, at drama, kung saan siya kasama ngayon. Maganda raw ang ginagawa ng ABS-CBN sa kanya't mino-molde siyang versatile performer, dahil isinasabak sa lahat ng klase ng palabas. Wala rin siyang inggit kay Melissa na kasabay niya sa Star Circle Quest at humahataw sa mga sexy project. Samantala, sa mga umaasang matuloy sa tunay na buhay ang love team nila ni Matt Evans, malabo pa itong mangyari't, hindi nanliligaw sa kanya ang actor, close lang sila, dahil araw-araw silang magkasama. * * * MAMAYA na, after Pinoy Idol Extra ang premiere ng Dear Friend nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Magbibigay ng advice ang magka-love team sa letter senders at ang request nila sa GMA-7 ay hindi scripted ang payo na kanilang ibibigay. Hindi nagdalawang-isip sina Jolina at Marvin na tanggapin ang project, pero inaming kinabahan sila, dahil kakaiba ang format ng show. Mala-Magpakailanman ito ni Mel Tiangco at Lovingly Yours ni Helen Vela dati, kaya tinanong ang actress kung feel niyang maging bagong Mel at Helen? "Why not!" ang sagot, pero nagreklamo't dapat din daw pag-isipan kung kanino ikukumpara si Marvin. Open ang dalawa sa suggestion na magbasa sila ng libro about boy/girl relationship, unwanted pregnancy at ibang problema ng mga bagets para may pagkukunan sila sa kanilang ibibigay na payo. * * * GUEST sa Kay Susan Tayo this Sunday si Regine Velasquez as Kim Sam Soon at ihahain nito ang mga espesyal at piling putahe na kayang-kayang lutuin sa totoong buhay. Ipapakita ni Regine na hindi lang siya magaling na singer at komedyana't bihasa rin siya sa kusina. Dadayuhin naman ni Sam Bumatay ang mga naglalakihang laruan sa Hansa Factory. Dito matatagpuan ang mga higanteng stuffed toys na 100 percent made in the Philippines at for export all over the world. Bibigyang pansin din ng show ang problema sa tumatalsik, tumutulo, at naiipong laway. Ibabahagi ni Susan Enriquez, sa tulong ng mga expert ang mga paraan para makaiwas sa problema ng laway. * * * IBINASURA pala ng National Labor Relations Commission sa Bacolod ang kasong illegal dismissal na isinampa ng dating empleyadong si Donald Nojas laban sa RGMA Network. Sa desisyon ni Labor Arbiter Romulo P. Sumalinog, makatuwiran ang naging dahilan ng RGMA para alisin sa trabaho si Mr. Nojas. Sexual harassment, pagpapabaya sa trabaho at kawalan ng tiwala sa kanya ng kompanya ang mga rason sa pagkakatanggal kay Mr. Nojas noong March 30, 2007. Sunud-sunod din ang pag-a-absent ni Mr. Nojas sa trabaho ng walang inaprubahang LOA o leave of absence. Nagtrabaho rin si Mr. Nojas bilang anchor ng isang programa ng kalabang istasyon, habang nagtatrabaho pa siya sa RGMA. Isa rin si Nojas sa saksi ng ABS-CBN na nag-akusa sa GMA Network bilang nasa likod nang pagmamanipula ng TV ratings sa Bacolod. Source: People's Tonight |