|
|
| Rene McHugh, Photographers' Choice sa Mutya![]() Author: Alfie Lorenzo NANGUNA si candidate number 22 Rene McHugh, mula sa East Coast USA, sa ginanap na press presentation ng Mutya ng Pilipinas 2009 noong July 29 sa Edsa Shangri-La Hotel. Si Rene ang tinanghal na Photographers' Choice. Anyway, aligaga na ngayon ang mga kandidata dahil sa sunud-sunod na schedules/activities na dapat nilang gawin. Kahapon ng umaga ay nagpunta na sila sa Baler, Aurora Province, para maghanda sa coronation night. Pagdating nila sa Baler ay nagkaroon agad sila ng motorcade. Ngayong umaga naman ay kailangan nilang dumalo sa seminar tungkol sa Aurora. Sa August 1 ay may challenge shoot sila. At sa gabi ay may audition naman sila para sa talent portion. Sa August 9 naman ay sasalang na sila sa pre-judging sa umaga, at sa tanghali ay gaganapin ang kanilang final rehearsal. At siyempre, sa gabi ay ang coronation night nila. Sa August 10 ay balik na silang lahat dito sa Maynila. Anyway, sina Anthena Mae Imperial (Aurora), Therese Anne Francesca Meelheib (Northern California), Dominique Lagrimas (Camarines Sur), Disayrey Sayat (Batangas), Katrina Lopez (Quezon City), Mary Grace Morala (Cotabato City), Melissa Paula Tavora (Davao del Sur), Jennielyn Natividad (Quezon City), Jelyssa Madrid (Canada), Ana Baladad (Texas), Lovett Keziah Avenido (Cebu), Mae Lani Chan (Manila), Jo Ann Peria (Palawan), Agnes Santiago (Pangasinan), Roselynne Solis (Tarlac), Lenny Gamboa (Pampanga), Abigaile Fausto (Navotas), Sheryl Rose Guerrero (Aurora), May Ann Buenaventura (Taytay), Christina McGarry (Midwest USA), Karen Nacario (Cebu), Rene McHugh (East Coast, USA), Dianne de Vera (Romblon), Samantha East (Canada), Consolacion Timbol (Tarlac), Jacqueline Schubert Cebu), Jenn-roe Gubat (Bulacan), Jane Banares (Legaspi), Nadine Karla de Roxas (Tagaytay), Zsaharah Nor Mantawil (Davao), Marie Loraine de Guzman (Makati), Darlene Dina (Batangas), Pearlyn Horteleno (Cebu), Nadine Halvorsen (Norway) ang maglalaban-laban sa 2009 Mutya ng Pilipinas. Tingnan nga natin kung ang mga Pinay na mula mismo sa Pilipinas, o ang mga may dugong Pinoy, na mula sa ibang bansa ang magwawagi? Birthday ni Cesar Montano sa Sabado (August 1), kaya ang mga malalapit sa puso niya ang maglalaro sa The Singing Bee sa Sabado at Linggo. Lalaban at babati rin para sa P2 milyon ang mga kamag-anak niya sa Bohol, mga kaklase sa Sta. Ana, kabilang ang sabi-sabi ay first love niya, mga staff sa Belissimo, mga ka-basketball na sina James Blanco, DJ Durano, at Carlos Morales, at ang mga suki ng programa na sina Juliana Palermo, Cassandra Ponti, at Jocelyn ng Kitty Girls. Hindi naman magpapahuli ang mga nakasama niya sa TV at movies tulad nina Jhong Hilario, Carlo Aquino, Gwen Garci, Smokey Manaloto, at LJ Moreno na maglalaro sa Sunday. Anyway, puring-puri si Buboy ng kanyang mga kamag-anak. “Hindi siya nagbago. Malambing pa rin siya sa mga kaeskwela niya. Kapag nakikita niya sa daan, bumababa talaga siya at niyayakap sila,” sabi ni Ma'am Geron, naging guro ni Cesar dati. Malayo na nga ang narating ni Cesar. Aba, mula sa pagiging tindero ng ice drop at banana-cue, sikat at mayaman na siya ngayon. “Batang kalye siya. Pero, noon pa man, mahilig na siyang maggitara at kumanta. Pero hindi ko akalain na sisikat siya,” sabi pa ni Pem na kaklase ni Buboy sa elementarya noon. Source: Abante |