Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Respected actors tinalbugan ni KC sa Christmas Special ng Kapamilya

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

DUMALO kami sa taping ng ABS-CBN Christmas Special titled One Country, One Nation, One Christmas na ginanap sa Meralco Theater recently.

Sa cocktails pa lang pa-bulosa na ang paghahandang ginawa ng Dos para salubungin ang mga naglalakihang artista at network executives nu'ng gabing 'yun.

Nag-take turns sa pag-hu-host ng buong special sina OMB Chairman Edu Manzano at Korina Sanchez, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Angelica Panganiban at Derek Ramsay, Vhong Navarro, Luis Manzano at Iya Villaniia, et al.

Wala kaming itulak-kabigin sa production numbers ng Christmas special na ito. Pinaghandahan ang bawat performance ng mga artista, pero ang pinakapaborito namin ay ang production number ng mega-daughter na si KC Concepcion.

Well-applauded din ang song-number ni Piolo Pascual kasama ang mga guwapong sina Erik Santos, Sam Milby at iba pang hunks sa ASAP '07.

Isang Italian song naman ang inawit nila at kahit pang-mayaman ang dating dahil foreign language ang kanta, still, nakatulala pa rin ang audience sa kaguwapuhan ni Piolo in fairness, huh?

Kuwela ang song-and-dance number nina Anne Curtis, Valerie Concepcion at Pokwang.

Kesehodang hinahagis-hagis siya sa ere at pina-pagulung-gulong sa stage, walang keber ang komedyana.

Kaya maging ang Big Bosses ng network ay nag-enjoy sa kaka-watch ng special na itetch. Sayang at wala si Willie Revillame sa special na ito, nauna na si Papie sa Guam para sa Wo-wowee na gaganapin doon, eh.

Sa rami ng artistang naroon ay kapansin-pansin ang mga naging magkarelasyon na ngayon ay nagdi-dedmahan na on stage, huh?

Basta, pansinin ninyo. Ayaw nina Pops Fernandez at Martin Nievera ng ganyan.

Ever present ang stunning na si Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, Deo Endrinal, Mr. Freddie Garcia at ang CEO ng ABS-CBN Gabby Lopez.

Mapapanood ang ka-buuan ng special na ito sa Linggo, Dec. 16- alas 9 ng gabi. Handog ito ng Special Projects division ni Chit Guerrero ng ABS-CBN.

* * *

SPEAKING of KC, samu't saring opinyon ang aming narinig sa naging performance niya nu'ng gabing 'yun sa Meralco Theater.

Puro positive feedback, take note, mula sa maga-galing at respetadong theater actors na sina Anna Fegi, Bituin Escalante, JM Rodriguez, Sam Concepcion at Audie Gemora ang ibinigay kay KC sa bonggacious na production number na well-applauded ng lahat.

In fact, marami ngang nagsasabing nasapawan ni KC ang mga artistang naroon nu'ng gabing 'yun. With her appeal and talent, puwede.

Artistang-artista kasi ang dating ng anak ni Mega, hindi siya 'yung tipong makikita lang sa kung saan-saan.

Siguradong kahit sino ay maaaliw sa Broadway number ni KC 'pag napanood n'yo ito. Proud Mama naman ang hitsura ni Sharon that night na kesehodang natalbugan siya ni KC ay balewala lang sa kanya. Instead, taas-noo siya sa pagma-malaki sa daughter.

* * *

IN the news pa rin ngayon ang birthday boy ng Star Magic na si Jake Cuenca.

Pero this time, minus Roxanne Guinoo na sa picture. Matapos ang usap-usapan na split na sila, heto si Jake at nagsasabing wala siyang kinukumpirma tungkol sa break-up umano nila.

"I am not confirming any break up or whatever. Sa ngayon we (sila ni Roxanne) are okay. Nag-uusap kami. "

Nang tanungin kung ano ang set-up nila at kung ano na ang kahihinatnan ng relasyon nila ay halatang hindi na rin nagustuhan ni Jake ang paulit-ulit na pagsagot.

Once and for all, sinabi niyang, okay sila ni Roxanne pero mas gusto raw nila na i-prioritize muna ang kanilang career. Aniya, sobrang blessed daw sila at ayaw nilang pabayaan trabahong ipinagka-loob sa kanila. Ganoon?

Handa rin daw si Jake na harapin ang sinasabing gay benefactor niya nang matapos na ito. Mariing pinanindigan ni Jake na walang katotohanan ang tungkol sa isyung may ba-ding na mayaman na nag-aalaga umano sa kanya.

Sa darating na December 30 ang kaarawan ni Jake, pero tila kasing lamig din ng pasko ang kanyang magiging birthday.

Source: Taliba