Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Resthouse nina Kris at James sa Bataan, nagkakahalaga ng P23M

HIGH blood na naman ang manager nina Zara Aldana at PJ Valerio na si Joey Aquino ng Fundamental Artist Management. Nilaglag kasi nito ang isa sa mga alaga niyang si Ryan Julio, Mr. Pogi 2006 first runner-up, at sinalo umano ng manager ni Angel Locsin ...

 

Resthouse nina Kris at James sa Bataan, nagkakahalaga ng P23M

Column: Tell & Tell
Author: Mercy Lejarde

HIGH blood na naman ang manager nina Zara Aldana at PJ Valerio na si Joey Aquino ng Fundamental Artist Management.

Nilaglag kasi nito ang isa sa mga alaga niyang si Ryan Julio, Mr. Pogi 2006 first runner-up, at sinalo umano ng manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila.

Ayon sa kampo ng FAM, nilabag ni Ryan ang ilang probisyon sa kontrata nito kay Joey.

Isa na raw ang 'di nito pagpapaalam tungkol sa mga project na tinanggap, pati na ang mga kontratang pinirmahan.

In short, initsapuwera ni Ryan ang naka-discover at nagtiyaga sa kanya, dahil feeling nitech ay sikat-sikatan na siya.

"Kung 'di ba naman, eh, bakit nagpapakuha na siya ng raket sa isang handler ni Becky samantalang nakakontrata pa siya kay Joey?" sey ng isang FAM insider.

Teka, pinapirma na ba ni Becky ng kontrata si Ryan Julio? If yes, tsinek ba muna niya kung valid pa ang kontrata nito kay Joey?

"'Di ba, dapat ang mga talent manager nagtutulungan para 'di naiisahan ng mga feeling sikat na talent?" ang tipong high blood na himutok ni Joey, na ewan kung kay Becky o kay Ryan naiimbiyerna.

* * *

Proud ang producer-actress ng pelikulang Banal na si Ina Alegre sa pagkaka-panalo ng isa sa cast members nilang si Paolo Contis bilang Best Actor sa katatapos na 24th PMPC Star Awards for Movies.

"Parang panalo na rin kaming lahat sa Comguild sa pagkakapanalo ni Paolo," masayang sabi pa ni Ina.

Papuntang Paris ang aktres-produ to attend the Paris Cinema Film Festival hanggang July 12.

* * *

Tanong ng ilang showbiz baklita na avid followers ng Wheel of Fortune tuwing 6 p. m. sa ABS-CBN, bakit sa U. S. pa binalak ng WOF host na si Kris Aquino na mag-honeymoon with husband James Yap gayung may resthouse naman ang mga ito sa Anvaya Cove ng Ayala sa may Morong, Bataan, na worth P23 milyon?

Ma at pa! Ang alam lang namin ay 'yung laging sinasabi sa radyo na. .. "Bataang matamis. " 'Yon lang.

* * *

Ang ikalawang live gala performance night ng PDA Season 2 nu'ng Sabado ay napuno ng kaliwa't kanang puna mula sa mga hurado na nagbigay ng mabababang marka sa halos lahat ng Scholars maliban sa two-time Star Scholar na si Liezel.

Sina Jet at Sheng ang mga probee sa linggong ito.

Open na uli ang botohan para sa text voters at para suportahan ang dalawa, i-text lang ang PDA space Jet or PDA space Sheng at i-send sa 231 for Smart, Talk 'N Text at Addict Mobile subscribers, at 2331 naman para sa Globe, TM at Sun subscribers.

Maaari rin kayong bumoto online sa www. pinoydreamacademy. com. ph.

* * *

Sa telefantasyang Dyesebel, labis na nasaktan si Isabel (Marian Rivera) nang malamang pakakasalan ni Fredo (Dingdong Dantes) si Betty (Bianca King).

Ang tanong, matuloy kaya ang kasalang ito? Abangan, alamin at laging subaybayan ang Dyesebel, tsuk!

Source: People's Tonight