|
|
| Rhian: Masarap humalik si Dingdong![]() Author: Gerry Ocampo Masarap kausap si Rhian dahil walang kiyeme na sinasagot ang mga intriga at tsismis na isyung isinasangkot siya. Tulad nang nag-isnaban daw sila ni Marian Rivera nang mag-guest siya sa taping ng Show Me Da Manny. "Magkakasama kami sa dressing ni Marian nu'ng mag-guest ako sa Show Me Da Manny at nag-hi and hello naman kami sa isa't isa. " "Hindi kami close ni Marian at hindi naman kami magkaaway. Trabaho lang ang ginagawa namin. " "Marami na akong natutunan magmula nang mag-artista ako. Isa na ang huwag maniniwala sa sinasabi ng iba hanggang hindi mo naririnig sa bibig mismo ng taong nagsabi raw ng hindi maganda sa iyo. " "Kaya hindi ako maniniwala na pinagselosan daw ako ni Marian, hanggang hindi ko naririnig sa bibig niya mismo ay hindi ako maniniwalang pinagseselosan nga niya ako. " "Saka wala naman dapat siya ipagselos sa amin ni Dingdong (Dantes). Ginagawa lang namin ang role na ipinagkatiwala sa amin ng GMA-7," mahabang paliwanag ni Rhian. Napag-usapan na rin ang pagtatambal nila ni Dingdong sa Stairway To Heaven, tinanong namin kung nasarapan ba siya sa mga halik ng aktor at boyfriend ni Darna. "Masarap po siyang humalik," mabilis na sagot ni Rhian. "Kailangan kasi ipadama namin sa isa't isa ang wagas na pagmamahalan kaya dapat maging makatotohanan ang bawat eksena. " Posible bang mahulog ang loob niya kay Dingdong? "Anything naman ay possible, pero hindi ko magagawa na magmahal sa taong may minamahal nang iba. Bilang artista ay ginagawa lang namin ang role na dapat i-portray. Walang personalan," say pa ni Rhian. Going back sa Show Me Da Manny, nang mag-guest si Rhian ay last taping day na raw 'yun ni Pacman dahil magsisimula na itong mag-ensayo para sa nalalapit na laban kay Miguel Cotto sa Las Vegas on Nov. 14. Naging masaya at kumportable naman daw si Rhian sa ta-ping ng sitcom ni Manny at maganda ang ginawang pag-aasikaso sa kanya bilang guest. * * * Dapat nang bigyan ng aksiyon ng GMA-7 ang ginagawang "pagbibiro" diumano ni Mo Twister kay Rufa Mae Quinto. Hindi nakakatuwa ang ginagawa ni Mo, na co-host nina Peachy, Pia Guanio, Raymond Gutierrez at John Lapuz sa Showbiz Central, kay Rufa Mae. Una "tinira" ni DJ si Rufa Mae nang sabihin nito na isa si Peachy sa sex video ni Hayden Kho at may sinundan pang iba, pero pinatawad siya ni Peachy. Subalit itong huling "biro" daw ni Mo kay Rufa Mae ay below the belt na. Grabe, as in grabe talaga, na sabihin daw sa Twitter account ni DJ Mo na ang lalaking pakakasalan daw ni Rufa Mae ay si Congressman Mikey Arroyo? Akala yata nitong si Mo nakakatuwa at puwedeng gawing biro 'yung palabasin na sina Rufa Mae at Mikey ay magsasama sa isang bubong gayung alam ng lahat na may asawa't anak na si Mikey at ka-dalagang tao ni Rufa Mae. Nasaan na raw ang respetong dapat ibigay ni Mo sa isang babae, lalo't ito ay sikat na TV host/actress/comedienne? Dapat ay tanggalin na raw ito as host ng isang talk show dahil mawawalan ng kredibilidad ang naturang talk show kung ang isa sa mga host ay mahilig "magbiro" o gumawa ng isyu na nakakasira ng reputasyon ng kanyang kapwa. * * * Tila hindi na matatanggihan ni Chris Tiu ang offer ng Regal Films sa kanya dahil matagal nang may alok sa kanya ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde. Anyway, kung this time ay matuloy at wala nang maging sagabal sa pagpasok na rin ni Chris sa showbiz ay hinding-hindi raw nito pababayaan ang pagho-host ng Ripley`s Believe It Or Not dahil malaki ang naitulong nito sa kanya bilang host at pagkakaroon ng self-confidence. Dating mahiyain ito pero nang bigyan ng hosting job ng Kapuso ay unti-unting nawala ang pagiging shy ng poging host. Kaya malaki ang pasalamat ni Chris sa Ripley`s Believe It Or Not, na napapanood tuwing Lunes pag-katapos ng GMA Telebabad * * * Ngayon pa lang ay iniintriga na sina Sharon Cuneta at Korina Sanchez. Ito ay sa dahilang tipong magkakalaban sa pagka-Bise Presidente sina Senators Kiko Pangilinan at Mar Roxas, kaya pati ang maybahay ng dalawang senador ay pinagsasabong. But knowing Sharon, hindi ito basta nagpapa-apekto sa kalakaran sa pulitika. "Kahit anong mangyari sa susunod na election, my respect and admiration for Korina won't change. I'm pretty sure both of us will put aside differences na part and parcel ng politics. Our friendship will remain," say ni Shawie Expected na kung mag-kakalaban sa pagka-VP sina Kiko at Mar, kung anu-anong mga intriga at paninira ang ibabato sa dalawa habang papalapit ang eleksyon. Nakakasiguro kami na hinding-hindi nila kayang gibain at sirain ang reputation and credibility ni Megastar Shawie, huh! Source: Taliba |