Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian Ramos handa nang ma-link kay Dingdong Dantes

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

READY na raw si Rhian Ramos sa posibilidad na ma-link sila ng kanyang bagong leadingman na si Dingdong Dantes dahil sa pagkaka-love team nila sa Stairway to Heaven na magsisimula nang mapanood sa GMA7 mama-yang gabi (Sept. 14) pagkatapos ng Darna.

"Yan ang nangyayari 'pag pinag-love team ang isang young actor at young actress sa isang show. Tanggap ko na 'yan," wika ni Rhian sa isang interview namin.

Kumusta ang lovelife mo? Ready ka na bang ma-in love seriously at magkaroon ng serious boyfriend?

"Parang hindi pa. Kasi naman sinubukan ko na 'yan, makipag-date, pero walang nangyari. "

Wala na ba kayong communication ni JC ( de Vera)?

"We're still friends. "

Nagkikita pa ba kayo?

"Hindi na, pero may communications pa rin kami. "

Anong preparations ang ginawa mo for your role as Jodi sa Stairway to Heaven?

"We did a lot of workshops para magampanan namin nang mahusay 'yong role namin ni Dingdong. And ayon sa feedback na narinig namin mula sa mga nanood ng premiere ng Stairway to Heaven, convincing naman daw ang pagganap namin. "

Bukod kay Dingdong at Rhian makakasama rin sa Stairway to Heaven sina Jean Garcia, Sandy Andolong, TJ Trinidad, Glaiza de Castroat marami pang iba, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal and Andoy Ranay. Ang theme song nito ay inawit ni Regine Velasquez.

* * *

MASUWERTE ang GMAAC prime artist na si Marvin Agustin dahil after ng Adik Sa 'Yo ay may kasunod kaagad si-yang soap na nagsimula nang mag-taping nitong Sept. 9, ang TV remake ng Tinik sa Dibdib katambal ang enduring star na si Sunshine Dizon .

Gagampanan ni Marvin ang role portrayed by Phillip Salvador sa movie version ng Tinik Sa Dibdib, at si Sunshine naman sa papel ni Nora Au-nor noon.

First time na magsasama si Sunshine at Marvin kaya naman kaabang-abang ang soap na ito ng dalawa sa pinakamahuhusay na artista ng Kapuso network.

Masusubukan kung gaano kagaling sa acting si Marvin ngayong si Sunshine Dizon ang kanyang makakatambal. Alam naman kasi ng lahat na napakahusay na aktres ni Sunshine at kapag mahina-hinang aktor o aktres ang kaeksena ay natatakpan niya.

By the way, hindi raw big deal kay Marvin kung after primetime show ay mapupunta siya ulit sa Dramarama sa Hapon ng GMA kung saan ipapalabas ang Tinik Sa Dibdib, ang mahalaga raw ay may trabaho siya.

* * *

HANGGANG ngayon ay wala pang pag-amin sa tu-nay nilang relasyon ng RNB prince na si Jay-R at Krissa Mae Arrieta.

Pero, obvious na espe-syal na ang pagtitinginan nila dahil sila ang madalas na magkasama sa mga lakaran ngayon.

Katibayan na sila na nga, nang pumunta si Jay-R sa Amerika lately ay pu-munta siya sa bahay nina Krissa Mae para makilala ang magulang ng dalaga.

Balita pa nga sa amin ni Krissa Mae mismo, na-ging close na rin daw ang pamilya ni Jay-R sa kanyang family.

Source: Taliba