|
|
| Rhian Ramos, iti-take home si JC de Vera!Cristine, walang 'malisya' kay Jericho!![]() Author: Dondon Sermino SA presscon ng Obra, sinabi ni JC de Vera na kung naging isang tunay na macho dancer siya, at papipiliin siya kina Rhian Ramos, Yasmien Kurdi, at Michelle Madrigal, ng babae na magti-take home sa kanya, si Rhian ang isinagot niya na type niya na mag-take home sa kanya. Sabi pa ni JC, bata, fresh at maganda raw kasi si Rhian, kaya type niya na ito ang mag-uwi sa kanya mula sa gay bar, kung saka-sakali. Sa interview ng ilang entertainment writers kahapon kay Rhian para sa bago niyang serye sa GMA 7 na La Lola, ipinakita namin kay Rhian ang hubad na larawan ni JC. Isang malakas na tili at halakhak ang naging reaksyon ni Rhian. “Ang guwapo kasi niya. Ha! Ha! Ha! Ha! “Bakit may picture siyang ganyan? Trip lang niya?” sabi pa ni Rhian. Anyway, ikinuwento ng press kay Rhian ang sagot ni JC na siya ang type nitong mag-take home sa kanya. At muli, isang malakas na tili at halakhak na naman ang naging reaksyon ni Rhian. “Okey sige, iti-take home ko siya, kasi may La Lola kami. Ha! Ha! Ha! Ha!” say pa ni Rhian. Anyway, sa October 3 ay 18 na si Rhian, at nangangahulugan ba `yon na papayag na siyang ligawan ni JC? “Ngayon ko pa lang siya makikilala. Ngayon ko pa lang siya makakasama ng madalas. So, tingnan na lang natin. Mas maganda kung makilala ko muna siya.” Kahapon ay itinuwid ni Cristine Reyes ang tsismis tungkol sa pagkakaroon niya ng crush/pagnanasa kay Jericho Rosales. Sabi ni Cristine, hindi raw niya sinasabing type si Jericho bilang karelasyon, kundi hanga lang daw siya sa husay ni Echo na umarte. “Kapag may eksena kami sa Kahit Isang Saglit, namu-motivate talaga niya ako. Nakakahawa ang husay niya sa pag-arte. Paghanga lang, pero hindi naman `yung type na maging ano (karelasyon),” pahayag pa ni Cristine. Parang sinasabi nga ni Cristine na walang malisya ang pagkakagusto niya kay Jericho. Hindi nga ito puwedeng itulad kay Dennis Trillo noon. Anyway, kung mapapansin mo, parehong may anak na sina Jericho at Dennis. Siyanga pala, ang Kahit Isang Saglit ay magsisilbing tribute ng ABS-CBN kay direk Gilbert Perez. Ang Kahit Isang Saglit nga ay huling project ni direk Gilbert sa Channel 2. “Artistic siya, na kung ano `yung napi-picture niya sa mind niya, 'yun ang gusto niyang makita sa screen,” lahad pa ni Cristine. “I'm so proud that I was able to work with him. Happy and proud,” say ni Jericho. Siyanga pala, si direk Jerry Lopez-Sineneng ang director ngayon ng Kahit Isang Saglit. Source: Abante |