Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian Ramos, natagpuan kay Dingdong Dantes ang hinahanap sa isang lalaki

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

MAGMULA nang magka-sama sa Stairway to Hea-ven sina Rhian Ramos at Dingdong Dantes ay biglang nagbago ang pananaw ng da-laga sa aktor.

Sa presscon kasi ng naturang teleserye ay tigas na tanggi ni Rhian na hindi siya puwedeng ma-in-love sa lalaking mayroon nang mina-mahal. Pero, habang tuma-tagal ang pagsasama ng da-lawa sa STH ay tila bumibi-gay na itong si Rhian kay Dong dahil mayroon siyang nakita rito na siyang hina-hanap niya sa isang lalaki.

Kaya naman nang mag-guest si Rhian sa Show Me Da Manny, sitcom nina Marian at Manny Pacquiao na napapanood tuwing Sundays Siyete ay 'di naiwasang magkailanganan ng dalawang dalaga. Nagbatian naman daw sina Rhian at Marian nang magkita sa dressing room, pero halatang nag-iiwasan. Pero nang makausap namin si Rhian ay tigas ng tanggi niyang nagkaiwasan or nagkailanganan sila ni Ma-rian.

Hindi naman daw kasi sila close ni Marian, pero 'di rin magkaaway, kaya 'di sila gaanong nag-usap nang mag-guest siya sa SMDM.

Pero hindi itinanggi ni Rhian na ang nagustuhan ni-ya kay Dingdong ay ang pa-giging matangkad ng aktor at pagiging dedicated sa kanyang trabaho. * * *

NAGKAGULO sa Cinema 10 ng SM Megamall dahil doon ginawa ang premiere night ng Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Mo-vie

Nagkasigawan at nagka-siksikan ang mga naghintay sa pagdating nina Ogie Alca-sid at Michael V kaya kinailangan ng maraming guards, pero 'di pumayag ang dalawa na hindi makalapit ang mga fans na nagtiyagang nag-hintay sa kanilang pagda-ting.

Totoo ang sinabi ni Mi-chael na kakaibang Yaya at Angelina ang ipinakita nila sa movie kumpara sa ka-kenkoyan at kalokohang ginagawa nila sa Bubble Gang at Hole In the Wall. Kuwela ang pagpapatawa ng dalawa na sinamahan pa nina Aiko Melendez at Jomari Yllana, bilang parents ni Angelina, at Iza Calzado na idinirek ni Michael Tuviera at joint venture ng GMA Films at ATP Entertainment.

Nauuso na naman ang comedy at sigurado kami na isa na naman itong blockbuster movie na dapat panoorin. Sasakit ang tiyan ninyo sa katatawa sa mga kakenkoyan at pinaggagawa nina Yaya at Angelina, promise.

* * *

KAHIT hindi natuloy ang concert ni Imelda Papin with Melissa Manchester nga-yong September, may iba namang pinagkakaabalahan ang Jukebox Queen. Inaa-yos niya ang lahat ng kanyang mga showbiz memorabilia na naipon, mula sa kauna-unahang album niya hanggang sa trophies, plaques, recognition, write-up at pictorial na maayos na naitago ng kanyang staff. Ang mga ito ay idi-display sa ipinagawa ni-yang Imelda Papin Museum.

Balak niyang pasinaya-an ang museum bago siya bumalik sa U. S. A sa October at iimbitahan niya ang mga kaibigang singer, artista, record producer, radio announcer, fans at entertainment press.

Nagtagumpay na makagawa ng pangalan sa America si Imelda. Big hit ang shows niya sa Las Vegas with Me-lissa Manchester. Magkaka-sama sila sa concert niya rito sa 'Pinas sa Waterfront Hotel, Cebu on Dec. 18 at sa PICC Plenary Hall sa Dec. 19.

Umaasa si Ms. Papin na magkakaroon ng panahon ang kanyang bestfriends na sina Lipa Gov. Vilma Santos, Co-ney Reyes at Tina Revilla na manood ng kanilang concert. Ang concert daw niya with Melissa ang bale magiging reunion nilang apat bilang best of friends.

Source: Taliba