|
|
| Rhian Ramos will not fall for someone who is already taken![]() Author: Nonie V. Nicasio Itinanggi ni Rhian Ramos na posible silang magkaroon ng problema ni Marian Rivera dahil kay Dingdong Dantes. Sina Dingdong at Rhian kasi ang bagong magkapareha via GMA 7's Stairway To Heaven kaya may ilang ispekulasyon na ang pagkakalapit ng dalawa ay maaaring ipagtaas ng kilay ng rumored girlfriend ni Dingdong at ng fans nila.
Pero tinawanan lang ito ni Rhian at sinabi niyang hindi siya pumapatol sa mga lalaking "taken na." Subalit inamin din naman ng young actress na crush niya si Dingdong. Sinabi rin ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na umaasa siyang susuportahan ng fans nina Marian at Dingdong ang proyektong pagsasamahan nila ng young actor. "Siguro, nae-expect ko naman na kung ano ang nakukuha kong reaction galing sa fans ko, nakukuha din nila ang ganoong reaction sa fans nila. Pero ang nakuha ko naman ding promise sa fans ko ay susuportahan nila kahit sino ang partner ko. Ganoon naman ang totoong fans. So, kung gusto nilang suportahan ang idol nila ay gagawin nila kahit sino pa ang ka-partner. "I hope naman na yung Dingdong-Marian fans ay susuportahan din ang project na ito. Siyempre, hindi naman ako ang magdedesisyon para sa kanila. Pero, siyempre, nandoon yung hope na maging open-minded tayo para sa Stairway. Hindi naman kasi kami loveteam ni Dingdong, partners kami para sa project na ito. "Siyempre, hindi ko naman sinasabi na I'm taking anyone's place, hindi naman kasi kami loveteam. Sila [Dingdong and Marian] ang loveteam, understood na natin 'yan, pero partners kami para sa project na ito," paliwanag ni Rhian. So, walang dapat ipag-alala si Marian? "Lahat naman ng ito ay trabaho lang, e, in the same way na may partner din siya ngayon. Nagtatrabaho lang din naman sila and nagtatrabaho lang din naman ako," sagot ni Rhian, na ang tinutukoy ay ang tambalang Marian Rivera at Mark Anthony Fernandez sa Darna. FALLING FOR DINGDONG. Pero kung sakaling wala si Marian, magkalapit kaya sila ng loob ni Dingdong? "Ay malay, hindi ko alam, e," nakangiting reaksiyon niya. "Kasi, as of now, mga more than one week pa lang kami nagsasama sa trabaho. So, paano ba 'yon sasabihin? Hindi pa kami lubos na magkakilala? So, hanggang doon lang ako sa hindi ko alam, kasi hindi talaga ako tumitingin sa lalaking taken na." Noong may relasyon kasi sina Karylle at Dingdong ay nabaling ang atensiyon ni Dingdong kay Marian nang magsama sila sa project, hindi kaya mangyari rin 'yon sa kanila ng leading man niya sa Stairway To Heaven? "Hindi naman ako nakakakita ng pattern, at wala naman talagang nakakaalam kung ano ang nangyari noon, kung bakit sila nag-break. Walang nakakaalam nun, sila [Dingdong-Karylle] lang," saad ng magandang young star. Posible ba siyang ma-in love kay Dingdong? "Posible, pero hindi... How should I say this? Hindi kasi ako ang tipo ng tao na gustong ma-in love sa mga taong hindi puwede sa akin. Kung hindi naman para sa akin yung tao, ayaw ko," maingat na sagot ni Rhian. Crush ba niya sa Dingdong? "To an extent, dahil siguro humahanga ako dahil magaling siyang umarte. Pero wala akong masyadong alam tungkol sa personality niya, so far, ha... Makikilala ko rin siya..." Pero nagsasalita ba siya nang patapos na hindi talaga siya mai-in love kay Dingdong? "Siyempre, hindi naman ako puwedeng magsalita na parang ito ang future dahil hindi naman ako psychic. So, hindi ako magsasalita ng tapos, pero ang masasabi ko lang, kung hindi para sa akin, ayaw ko. Ang gusto ko lang makuha ay yung para sa akin lang." Paano kung habang nagtatrabaho ay may maramdaman siyang kakaiba kay Dingdong, matatakot ba siya at pipigilin ang kanyang feelings para sa binata? "Kung napapaloob 'yon sa eksena, hindi ako matatakot. Pero kung labas na 'yon ng eksena, oo, matatakot ako," maiksi ngunit makahulugang saad niya. Ibig bang sabihin ay takot siya kay Marian? Source: Philippine Entertainment Portal |