|
|
| Rhian, ang babaing nararapat kay RichardAuthor: Chan-Chan Torres MASASABING isang malaking karangalan at hamon kay Richard Gutierrez ang gumanap bilang Zorro. As we know, ang ka-rakter na Zorro ay isang legendary hero na kakampi ng mga naaapi. Muling isasa-telebis-yon ito ng GMA-7 at nabalitaan pa naming isa ang Zorro sa big-budgeted projects nila. Walang dudang maga-gampanan nang buong hu-say ni Chard ang pagiging Zorro dahil pinag-aralan daw niya nang husto ang karakter niyang ito. In fact, sinabi pa ni Chard, they even took up Spanish lessons dahil ito nga ang gamit na salita sa said TV soap. May touch of period ang teleseryeng ito kaya interesting at bago sa pan-lasa ng manonood. Maging sa panganga-bayo ay mahusay na raw si Richard. Kahit sa pelikulang Zorro, may love interest talaga ang nakamaskarang kakampi ng mga inaapi. This time, tatlo ang lady love ni Zorro -- Rhian Ramos (Lolita), Bianca King (Cara) at Michelle Madrigal (Juana). Sa totoo lang, gandang-ganda kami sa billboard nina Richard at Rhian. Bagay talaga sila, parehong class ang dating ng dalawa. Nu'ng una, akala ng i-lang fans ay mahihirapang makahanap si Richard ng babaing kapareha niya after being paired with KC Concepcion and Angel Locsin dahil mas-yadong defined at guwapo ang mukha niya. Then came Rhian. By the way, sa bukirin pa ng Davao at Bataan nagti-taping ang buong cast ng Zorro para lalong mapaganda ang bawat eksena sa panlasa ng ma-nonood. Ito ay mula sa direksyon ng tambalang Mark Reyes at Dominic Zapata. Palabas na ang Zorro sa March 23, sa nag-iisang te-lebabad block ng GMA-7. * * * ISANG comeback para kay Camille Prats ang muli ni-yang paglabas sa T2 (Te-nement 2) na showing na sa April 11 nationwide. Sa presscon ng pelikulang ito mula sa Star Cinema, ikinatuwa ng aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakalimutan ng mga tao sa Dos. "It's always nice to be here in ABS. Na sa tuwing pupunta ako rito, may mga nakakakilala pa rin sa akin. Mula sa mga janitor, sa staff ng show. Nakaka-touch. I grew up here kasi," say ni Camille. Since welcome vehicle ito ni Camille sa Star Cinema, nabanggit din niyang unang beses din pala niyang makakasama sa trabaho si Maricel Soriano. Agad si-yang tinanong kung ano ang feeling niya working with Marya. "Well, kilala naman natin si Inay (tawag kay Marya) sa pagtaas ng kilay niya. Pero, when you get to know her, sobrang bait niya. Kinumusta niya ang anak ko. Binilinan niya ako na lagi ko raw lagyan ng mansanilya ang tiyan ng baby ko para hindi kabagin. At pati alcamporado, lagyan ko rin daw ang tiyan ng anak ko. So, ang sarap ng feeling, she's someone I look up to dahil sa lahat ng achievements niya," pahayag pa ni Camille. Kinumusta rin kay Camille si Shaina Magdayao, girlfriend ng ka-patid niyang si John Prats. Sinabi ni Camille na super boto raw sila kay Shaina. Siyempre, bata pa raw sila ni Shaina friends na sila. Aniya pa, hinihila na lang daw nila ang panahon para ganap nang maging mag-asawa sina John at Shaina. Ngayon daw kasi marami pang gustong gawin si John, at siyempre, bata pa si Shaina kung kaya ini-enjoy daw muna nila ang company ng bawat isa. Aminado rin si Camille na ngayon lang niya nakita kay John na decided na itong mag-ipon for his future and Shaina, tulad ng pagpapagawa ng bahay at iba pang investments. Source: Taliba |