|
|
| Rhian at Dingdong, nagkatikiman na!![]() Author: Ruel Mendoza AWARE si Rhian Ramos na may mga fans sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na hindi siya type. Si Rhian na nga ang kumpirmadong leading lady ni Dingdong sa Stairway To Heaven. “I am aware na may mga ganyan na nga, at siyempre nakakalungkot isipin na hindi pa naman kami nagsisimula, may mga hindi na magagandang feedback. “I just want to say na bigyan naman ako or any actress a chance to work with Dingdong. Trabaho lang naman ito and the show is for everybody. “Masaya kami ni Dingdong na magkakatrabaho kami for the first time. I am sure that Dingdong wishes na maging happy naman ang mga fans niya sa bagong makakatrabaho niyang leading lady,” sabi ni Rhian. Anyway, pag-amin ni Rhian, handa na raw siyang tikman ang mga labi ni Dingdong. Alam ni Rhian na maraming halikan silang gagawin ni Dingdong. Para kay Rhian, ibang karanasan sa kanya ang makatrabaho si Dingdong. “Kilala ko naman si Dingdong, kasi nagkakasama naman kami sa mga shows at events ng GMA-7. This is the first time na we will work together in a drama series. And I am looking forward to do this project with him,” say niya. So, ready na siyang mahalikan ni Dingdong? “Oo naman! Sino ba naman ang hindi maghahanda? Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sambit ni Rhian. “As if naman hindi pa ako ready sa ganyan, 'di ba? Expected ko naman na may ganyang mga eksena. Actually noong mag-reading ako for the role, may ginawa na kaming kissing scene ni Dingdong. So doon pa lang natikman ko na siya! Ha! Ha! Ha! Ha!” Para kay Rhian, pinakamalaki at most challenging role nga ang pagganap niya as Jodi. Base sa ginawa niyang research at sa pagpanood sa original Korean version ng Stairway To Heaven, mabigat at punung-puno ng emosyon ang binigay na character sa kanya. “Right now, I feel na kailangan ko talagang pag-aralan nang husto ang role na Jodi. I know the expectations of many kasi isang big hit ang Koreanovela na ito at ang gagaling ng mga artistang gumanap. Like sa role ko as Jodi, it was Choi Ji Woo na sikat sa Korea and is also an award-winning actress there. “Kaya 'yung magiging comparison ay nandoon. Hindi naman mawawala iyon. But I don't want to really gayahin the way Choi Ji Woo acted the role of Jodi. I want to give my own interpretation of the role. We want the series to be very Pinoy ang dating and alam ko naman na magagawa namin 'yon ni Dingdong,” sabi na lang ni Rhian. Source: Abante |