|
|
| Rhian at Geoff, mag-on?![]() Author: Ruel Mendoza SI Rhian Ramos daw at hindi si Carla Abellana ang espesyal na babae sa buhay ni Geoff Eigenmann? Si Rhian ay leading lady ni Dingdong Dantes sa Stairway To Heaven. Pero, hindi naman kataka-taka na ma-link sina Geoff at Rhian, dahil magkasama sila sa pelikulang Ang Panday ng GMA Films at Imus Productions na isa sa mga official entries sa 2009 Metro Manila Film Festival. Sa syuting nga ay very close at hindi naghihiwalay ang dalawa. Pero sabi ni Geoff, magkaibigan lang sila ni Rhian. “Rhian is my partner in the movie kaya marami kaming mga scenes na magkasama. Kung nakikita nilang close kami, it's because may rapport na kaming dalawa. Masaya kasing kasama sa trabaho si Rhian. “Nagulat naman ako nung may magtanong kung kami na raw ni Rhian? It's not true and she's just a friend,” nakangiting sabi ni Geoff. Ikinuwento rin ni Geoff ang chance meeting niya with basketball player JC Intal, ang ex-boyfriend ng kanyang leading lady sa Rosalinda na si Carla. Hinatid daw niya si Carla sa bahay nito after nilang maglaro sa The Power Of 10 sa GMA-7. Nandoon daw sa bahay nina Carla si JC at naghihintay. “I introduced myself to JC. We shook hands and that was it. Hinatid ko lang naman si Carla. Was it an awkward situation? Hindi naman because there's nothing to feel awkward about, eh. I know that they had something before and I truly respect that,” pagtatapos pa ni Geoff, na pumirma ng panibagong kontrata bilang endorser ng Hanford. Source: Abante |