|
|
| Rhian at Maxene, agawan kay Dingdong!![]() Author: Abante SI Rhian Ramos nga ba ang napipisil na maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven? May nakarating sa aming balita na nagkaroon daw ng audition para role na Jodi sa Stairway..., at si Rhian nga raw ang napili. May Maxene Magalona rin na name na lumalabas na posible rin daw gumanap na Jodi, at diumano ay nag-audition din ito. Pero sa dalawa, mas malamang daw na si Rhian na nga dahil in-terms of acting, mas may ipinapakita raw ang huli. 'Yun nga lang, kung ibabase sa kahawig ng orihinal na gumanap na Jodi na si Choi Ji Woo, nakakalamang si Maxene dahil mas malaki ang pagkakahawig niya sa Korean actress. Ngayong August na sisimulan ang taping ng Stairway to Heaven kaya dapat lang talaga na by this time, meron na ngang napili para gumanap na leading lady ni Dingdong. And if it's true na si Rhian nga, tingin naman namin ay bagay dito ang role bukod pa sa physical, mas magko-complement ang good looks nila ni Dingdong. Kung totoo na si Rhian na nga, napakasuwerte nito dahil siya yata ang bukod-tanging young actress ng network na hindi nababakante nang matagal. Patapos pa lamang ang Zorro, pero heto ay may sisimulan na siya agad. Pilit naming tinatanong both Perry Lansigan (Dingdong's manager) at si Dingdong mismo kung sino na nga ba ang napiling leading lady. Pero, parehong walang maisagot ang mga ito. Kay Dingdong ay puwede pa kaming maniwala na wala pa ngang alam, pero, sey namin kay Perry, siguradong knowing na niya. “Wala pa talaga. Siguro ang masasabi ko lang, kung sino man ang mapipili, talagang dumaan siya sa matinding pag-i-screen ng management,” sabi lang ni Perry. Sinabi namin kay Perry na lumalabas na ang pangalan ni Rhian na gaganap na Jodi. Pero, ang sagot niya sa amin, “Buti pa kayo, mas may alam pa kayo, pero ako, totoong wala pa. Wala pa talagang sinasabi. Hopefully this week, baka may masabi na sa aming napili nila,” sabi pa ni Perry. Source: Abante |