Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian 'di dapat pagselosan ni Marian

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

HANGGANG tambalan lang talaga ang mangyayari kina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa bagong soap ng GMA-7 na Stairway to Heaven.

Alam naman kasi ni Rhian na taken na si Dingdong Dantes, kaya sinabi niya sa press na never siyang mai-in love kay Dingdong.

Para kay Rhian, artista lang siyang gumaganap ng role bilang si Jodi sa Stairway To Heaven, ang Korean soap na first time na magkakaroon ng local version.

Ayon pa kay Rhian, suwerte ang pagpa-partner sa kanya sa itinuturing na Philippine's sexiest man at fifth sa sexiest man sa buong mundo.

Big honor para kay Rhian na bigyan siya ng ganito kaimportanteng role ng Kapuso Network.

* * *

IGINIIT naman ni Dingdong Dantes sa presscon ng Stairway To Heaven na walang dapat ipagselos si Marian Rivera sa tambalan nila ni Rhian.

Trabaho lang daw ang kanyang ginagawa at kung anumang emosyon ang kanyang ipapakita bilang love interest ni Rhian, hinihingi lang daw iyon sa script.

Never daw pumasok sa isip ni Dingdong na mai-in-love siya kay Rhian dahil sobrang happy siya ngayon sa piling ni Marian.

Sa show nilang dalawa ni Marian ay may iba silang partner, tulad sa Darna na si Mark Anthony Fernandez ang partner ng nobya.

At never din daw siyang nagselos kay Mark Anthony.

Promise ni Dingdong na hindi totoo ang sinasabi ng iba sa lahat na yata ng kanyang leading ladies ay nai- in love siya.

* * *

TINUPAD ni First Gentleman Mike Arroyo ang pagtulong sa medical students thru his First Gentleman Foundation.

Alam ba ninyong may 20 scholars sa Batch 2 ang FG Foundation na malapit nang mag-graduate ng kursong Medisina sa University of the Philippines at Pamantasang Lungsod ng Maynila.

Ang 10 FG Foundation scholars sa Pamantasang Lungsod ng Maynila ay sina Mariel S. Avila ng Tandang Sora, Quezon City; Janis Asuncion C. Bunoan ng Las Piñas City; Pinky A. de Leon (hindi ang artista) ng Bacoor, Cavite; Marcos M. Genebago ng Silang, Cavite; Deborrah G. Liao ng Quezon City; Jeffrey James B. Motos ng Sampaloc, Manila; Frances Michelle G. Obias ng Camarines Sur; Queenie Dyan C. Raagas ng Pasay City; Joey V. Sabularce ng Valenzuela City at Mary Ruth D. C. Sanchez ng Valenzuela City din.

Samantalang ang 10 scholars sa UP ay sina Zaida K. Aminulia ng Jolo, Sulu; Nickson E. Austria ng Sto. Tomas, Batangas; Liza Marie P. Bejemino ng Aklan; Rommel C. Bernabe, Jr. ng Calamba City; Jay Pee Z. Cruz ng Taytay, Rizal; Christine V. Gutierrez ng Pozzorubio, Pangasinan; Ceferino A. Lustre III ng Cagayan de Oro City; Criston Van C. Manasan ng Olongapo City; James A. Salisi ng Tanauan, Batangas at Venjune P. Tansiongco ng Iloilo.

Kapag nagkatapos sa kanilang kurso at makapasa sa board exam, dalawang taong maglilingkod sa mga liblib na pook ng ating bansa ang tataguriang mga "Bagong Doktor Para sa Bayan. "

Tatanggap sila ng suweldo at iba pang bene-pisyo , ayon kay foundation president Juris Umali-Soliman.

* * *

MAG-AASAL aso na naman ang isa kina Wally Ba-yola at Jose Manalo sa epi-sode ng Wow, Hayop nga-yong gabi.

Lalabas na naman ang dalawa bilang talunang mag-among aso sa episode ng Greatest American Dog.

Abangan ang mga kakaibang pangyayari sa Wow, Hayop, pagkatapos ng Telebabad ng GMA.

Source: Taliba