Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian, 'di pa sure sa Dingdong soap

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Kasama sa credit ng Oh, My Girl! si Regine Velasquez dahil isa siya sa nag-isip ng istorya ng movie nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid. Nasa premiere night din ng movie ang Songbird at kita ang effort nito para hindi makaagaw ng eksena sa mga bida ng pelikula.

Sa cameo role ni Regine bilang P. A. ni Darling (Judy Ann), kaeksena rin si Ogie and in fairness, nagmarka ang short exposure niya. Hindi nagtagal sa late-dinner sina Regine at Ogie dahil may sakit ang huli at nagyaya nang umuwi.

Kasama naman ni Judy Ann ang inang si Mrs. Carol Santos at ang asawang si Ryan Agoncillo na gaya ni Re-gine, hindi umeksena sa premiere night. Pinabayaan nito ang actress na makihalubilo at siya'y sa press naki-pagtsikahan.

Showing na ngayon ang OMG! kung saan, makikitang wala pa ring kupas si Roderick Paulate. May eksena si Judy Ann na umakyat sa pintuang bakal ng PNR station at nang tanungin namin kung talagang siya ang umakyat, "secret" ang sagot nito.

First movie pala ng Regal Entertainment ang OMG! na may voice-over ni Mother Lily at ito 'yung eksena towards the end at tinawagan niya si Direk Dante Garcia.

* * *

Akala ba namin si Rhian Ramos na ang napili ng GMA-7 na gumanap sa role ni Jodi sa Stairway to Heaven at makakapareha ni Dingdong Dantes? Bakit nag-audition last Monday for the said role sina Rhian at Maxene Magalona.

Ibig bang sabihin, wala pa ring final choice sa role ni Jodi na sabi ni Ms. Wilma Galvante, dapat fragile looking ang artistang gaganap?

Isa si Maxene sa mga pangalang nababanggit na kasama sa shortlist na pinagpipilian sa role ni Jodi, kaya 'di nakakagulat kung pinag-audition siya. Kay Rhian nagulat ang fans dahil akala'y sa ibang project siya isasama.

Tsika sa amin, almost 90 percent ng original story ng Stairway..., ang susundin sa Pinoy adaptation ng Korean drama na ikatutuwa nang sumubaybay nito. Sina Joyce Bernal at Andoy Ranay ang magtutulong magdirek nito.

* * *

Sunud-sunod ang concerts sa Skydome ng SM North Edsa produced ng Viva Concerts & Events dahil after the Most Requested ni Regine Velasquez sa August 1, ang Back2Back ng True Faith sa Aug. 7 ang susunod at sa Aug. 15, ang Incomparable nina Basil Valdez at Joey Albert naman ang mapapanood.

Ngayon lang uli magkakasama sa concert sina Basil at Joey at hindi madi-disappoint ang manonood sa kanila't kakantahin nila ang mga hit songs nila. Sino ang makakalimot sa mga kantang Ngayon at Kailanman, You, Tuwing Umuulan, Nais Ko, Tuwing Umuulan at Ka-piling Ka, Kung Ako'y Iiwan Mo, Let the Pain Remain at iba pang pinasikat ni Basil.

Hindi rin makakali-mutan ang mga kantang Tell Me, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Yakapin Mo Ako, Iisa Pa Lamang, Points of View, It's Over Now na pinasikat ni Joey na kahit based in Canada na, umuuwi ng bansa 'pag may magandang offer gaya ng Incomparable.

Tickets to Incomparable are available at all SM Ticketnet outlets. Prices are at P1750 (Gold seats) and P1500 (Silver seats).

* * *

Guest sa Saturday sa Eat...Bulaga si Marie Digby, bago ang concert niya sa NBC Tent sa gabi. Tiyak na kasama sa repertoire niya ang acoustic version ng Umbrella na nagpasikat sa kanya sa Youtube at version niya ng Maroon 5, Linkin Park and songs from her second album Breathing Underwater na na-upload sa Internet bago ang release sa September.

Ang Fearless Promotions nina Ronald at Ryan Singson at Jomari Yllana ang magdadala kay Marie sa bansa. Sabi pala ni Jomari, three to four concerts ang ipo-produced nila. Pagod sila, pero fulfilling at nag-i-enjoy sila sa ginagawa.

Incidentally, kasama si Jomari sa season three ng Celebrity Duets at ngayon pa lang, may mga nagtatanong na kung iimbitahan ba sina Ara Mina at Pops Fernandez na maka-duet niya?

* * *

Sa Rosalinda, nakatulog si Rosalinda (Carla Abellana) dahil sa inilagay sa kanyang inumin at sa utos ni Fedra (Katrina Halili), hahalikan siya ni Anibal (Marco Alcaraz) at pipiktyuran ni Rodora (Carlene Aguilar). Ipapakita ni Fedra kay Fernando Jose (Geoff Eigenmann) ang litrato na ikagugulat ng binata.

Pinuntahan ni Fernando Jose sa correctional si Soledad (Glydel Mercado) para pigilan ang paglaya nito. Bigo ang binatang pigilang makalaya si Soledad at nangako naman si Valeria (Sheryl Cruz) na kahit nakalaya na, hindi niya patatahimikin si Soledad.

* * *

Sa Adik Sa 'Yo, kinuntsaba ni Fatima (Eugene Domingo) si Andrea (Iwa Moto) na pakialaman ang bank account ni Stella (Beth Oropesa).

Malalaman na ni Karen (Jennica Garcia) ang tungkol sa perang ibinayad ng ina sa titulo ng lupa nila ising (Ces Quesada), iko-confront nito ang nobyo at ang akala'y, niligawan lang siya dahil sa pera.

Invited si Stella sa birthday party ni Joana (Jolina Magdangal) at ang pagpi-present kay Madam F (Eugene) sa public. Magugulat sina Stella at Luigi (Joey Marquez) pagkakita kina Joana at Madam F.

* * *

Wednesday sa Ngayon at Kailanman, masaya si Ayra (Heart Evanglista) na nakaligtas si Edwin (JC de Vera). Nag-promise silang mamahalin ang isa't isa at nagpalita ng singsing. Nagalit si Vener kay Ronald sa nangyari kay Edwin at dinalaw ang kaibigan sa ospital.

Nag-decide si Ayra na ibenta ang hacienda para mabayaran ang hospital bills ni Edwin. Pero, ikinagulat nito nang malamang ang kaaway niyang si Donna Benitez (Arci Muñoz ang nakabili ng hacienda.

* * *

Sa pagpapatuloy ng All My Life, sasabihin na sana nina Jules (Aljur Abrenica) at Romina (Kris Bernal) kay Romano (Zoren Legaspi) ang kanilang relasyon, pero galit na galit ito at binantaan si Jules na layuan si Romina. Iko-confront ng dalaga ang ama kung bakit paghihiwalayin sila ni Jules.

Nagkainitan sina Jules at Perry (Paolo Avelino) dahil kay Romina at nagulat si Perry nang aminin sa kanya ng dalaga na BF na niya si Jules. Muntik nang aminin ni Amelia (Gelli de Belen) ang totoo kay Romina kung bakit galit si Romano kay Jules.

Source: People's Tonight