Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian, 'karma' ni Marian?

Rhian, 'karma' ni Marian?

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

NAISULAT namin kamakailan na nagkita/nagbeso-beso at nag-hug-hug sina Marian Rivera at Angel Locsin sa condo unit ng manager ng una na si Popoy Caritativo.

At siyempre, marami ang natuwa na pinatunayan ng dalawa na hindi sila magkaaway, at puwede silang maging magkaibigan.

Anyway, sa pagkikitang `yon ng dalawa, napag-usapan nila siyempre ang tungkol sa Darna. Si Angel ang unang gumanap na Darna sa GMA, at si Marian nga ang Darna ngayon.

“Tinanong niya ako tungkol doon, at sinabi ko ngang nagkasugat-sugat ako. Ganoon daw ta­laga dahil siya, 'yung singit naman niya ang madalas masugatan!

“Nakakatuwa nga, dahil at least nagkita na kami. Actually, ang ibang tao lang naman ang nagsasabi na magkaaway kami. Kaya nga nu'ng magkita kami, sabi ko, thank you dahil titigil na rin silang lahat! Solved na!” kuwento ni Marian.

Eh, si Rhian (Ramos), hindi ba niya kaaway?

“Hindi! Hindi ko pa nga siya nakakasama o nakakatrabaho!”

Pero, may mga taong sadyang malupit, na nagsasabing karma raw ni Marian si Rhian? Iginanti raw ni R­hian si Karylle kay Marian, dahil ganun daw kasi ang ginawa niya kay Karylle noon?

“Anong karma 'yon? Ay, walang ganoon! Kung ano man ang lumalabas, parte ng trabaho 'yan, ng promotions. Importante, okey kaming dalawa.

Nagkakaintindihan.

“Kung lahat sila nagkakasundo, kami hindi, useless! Alam naming dalawa ang totoo!” sagot ni Marian.

Sa blessings na dumarating kay Marian ngayon, iginiit niya na nakamtan na niya ang wish niya na magkaroon ng peace of mind.

“Oo, dumating na! May dumarating pa ring problema, pero naaayos naman. Wala lang silang magawa,” sey niya.

At least, dalawa na sila ni Dingdong na nagha-handle ng problema?

“At may sinabi siya sa iyo, na pinanghahawakan ko! Sinabi niya sa iyo 'yon!”

Eh, siya, always in love ba naman? “Oo! Tala­gang oo, ang sinabi ko. Sa sinabi niyang I'm always in love with... with Marian. Naks naman! Ako rin, I'm always in love...” pabiting tugon ni Yan-Yan.

With? “Him! Ha! Ha! Ha!” natatawang tugon niya.

Love and trust daw ang pinaiiral nila ni Dingdong.

“Alam ko, sagad na ang linyang 'yon, pero 'yun talaga ang pinaiiral naming dalawa. Halimbawa, 'pag meron akong hindi naiintindihan, tinatanong ko sa kanya.

“Ganoon din siya. At least, kaming dalawa ang nagkakaintindihan, Wala nang maraming involved! Mas nagiging maayos ang lahat,” paliwanag niya.

Wala ba silang anniversary? “Wala kaming ganoon! Every second, every minute lang. 'Yun na 'yon! Second-sary kami kung mag-celebrate! Every second may celebration? Why not? Kaya, enjoy lang! Ha! Ha! Ha!” pagmamalaki ni Yan-Yan.

Eh, kasal? “Naku, matagal pa 'yon!” diin niya. Dahil sa magandang nangyayari sa kanyang career, pamilya at love life, wala nang mahihiling pa si Marian kundi tutukan ng tao ang Darna dahil matapos niyang magapi si Kobra (Paolo Contis), magsasanib-pwersa sina Babaing Lawin (Ehra Madrigal) at Babaing Tuod (Francine Prieto) upang mawala siya sa mundo.
***

Tuluy na tuloy na ang grand opening ng Zirkoh Mo­rato sa Miyerkules, Nob­yembre 4!? Si­yempre pa, star-studded ang pagbubukas na ito dahil mara­ming tao ang naka-miss sa comedy bar na isa sa pag-aari ni Allan K.

Higit na mas malaki at mas pinabongga ang Zirkoh?Morato na sa kulay pa lang sa labas ng building, hindi maipagkakailang bading ang may-ari at mas lamang ang bading na performers kesa babae at lalaki, huh!
***

Happy, happy birthday, today, Nov. 3, kay Governor Vilma Santos!

Source: Abante