|
|
| Rhian matagal nang nagpapantasya kay Richard GutierrezAuthor: Joe Cezar NANG magkasama sila ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell, unang TV show ni Rhian Ramos sa GMA7, ay pinagpantasyahan na niya ang guwapong actor. Nasundan pa ang pagsasama nila sa Lupin hanggang naging full-fledged leading lady si Rhian ni Richard sa pina-kabago at pinakamagastos na fantaseryeng Zorro na magsisimula na bukas, Marso 23 sa primetime telebabad ng GMA7. Ano ba ang katangian ni Richard na nagustuhan ni Rhian? "Yummy," aniya. Sabay bawi ng young actress. Biro lang daw ang sinabi niya nang makausap namin sa presscon ng Zorro. "Refreshing at laging mabango and he looks young! Hahaha!," pahabol ni Rhian. Ano naman ang mga katangian ng iyong ideal man? "Matangkad, pogi, maasikaso," wika pa ni Rhian. Angkop ang mga katangiang ito kay Ri-chard. Pero, pahabol pa ni Rhian, friends lang daw talaga sila ni Richard. At hindi nagbabago ang pag-titinginan nilang ito. * * * MAGSISIMULA na ang pinakabagong 'singing search' ng GMA7 na pinamagatang Are You The Next Big Star? Ilulunsad na ito sa SOP ngayong Linggo (March 22). Muling bubuksan ng GMA7 ang entablado pa-ra sa mga nagnanais na maging superstar sa la-rangan ng musika. Binusisi ng production staff ng Are You The Next Big Star? para ma-sigurong naiiba ang pro-sesong pagdadaanan ng mga sasali sa pinakaba-gong patimpalak na ito sa pag-awit ng Kapuso. Upang malaman ang schedules at venue ng audition, manood lang ng SOP Rules ngayong Linggo pagkatapos ng Joey's Quirky World. Source: Taliba |