Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian, may bagong hairstyle

Author: Nitz Miralles

Opposite attracts talaga dahil paano maipapaliwanag kung bakit nagkainlaban ang parehang ito na magka-iba ang personalidad at ang common denominator lang nila'y pareho silang magagaling na artista.

Ang actress kasi, mahilig sa night life kasama ang mga kaibigan, madaldal at chain smoker. Sa isang premiere night sa UP Film Center, pinag-uusapan ang actress sa sunud-sunod na paninigarilyo at ini-emote pa ang pagpapalabas ng usok at tinitingnan lang siya ng tao.

Kabaligtaran niya ang nobyong actor na tahimik, mahiyain, 'di mahilig gumimik at wala yatang bisyo dahil never pa namin siya nakitang nanigarilyo.

Sobrang in-love raw ang dalawa, kaya 'wag na natin silang pakialaman. Sana lang, maimpluwensyahan ng actor ang actress na tumigil kahit sa paninigarilyo lang.

* * *

Bago na naman ang hairstyle ni Rhian Ramos nang mag-promote ng Stairway to Heaven sa S. O. P. kahapon. Marami ang natutuwa na sa kanya ibinigay ang role ni Jodi at meron ding ayaw, pero handa na si Rhian sa mga negative comment sa kanya't nasanay nang tinitira siya.

Ang ipinangako nito, ginawa niya ang lahat para mabigyan ng justice ang role ni Jodi at si Dingdong Dantes mismo ang magpapatunay na magaling rito ang dalaga.
Seryoso ito sa kanyang role at pinag-aaralang mabuti ang kanyang gagawin. Kahit masama ang katawan, dumadating sa taping para 'di maapektuhan ang trabaho. Ang payo nito, panoorin ang Stairway to Heaven sa simula pa lang at bukas na 'yun, after Darna.

Samantala, how true na sweet-sweetan din sina Rhian at Geoff Eigenmann (ayaw ni Carla Abellana ng ganyan) sa shooting ng Panday at mas nagiging close dahil sila ang magkapareha rito. Nahahawa tuloy si Sen. Bong Revilla kay Geoff, sweet din siya sa leading lady niyang si Iza Calzado at sa ibang cast ng pelikulang entry ng Imus Films at GMA Films sa MMFF.

* * *

Ang dami talagang gustong mag-artista at napatunayan namin ito nang imbitahan kami ng GMA-7 sa Davao para sa two-day audition ng reality-based artista search. Mga bagets na may edad 16-22 years old ang nag-audition mula sa iba't ibang parte ng Mindanao.

Marami ang galing sa General Santos City gaya ng Fil-German beauty na si Alexandra Hohe, taga-Sarangani naman ang guwaping na si Jetrix Pasamanero, may galing ng Cotabato City, Bukidnon at ibang parte ng Mindanao.

Galing naman ng Sacramento, California ang Fil-Portuguese at 22 y/o na si Steven Silva. Culinary student siya at nag-o-OJT sa Marco Polo Hotel sa Davao at babalik na sa States sa October, pero babalik ng 'Pinas 'pag nakapasa sa audition.

Pare-pareho ang kanilang rason kung bakit sila nag-audition, gusto nilang mag-artista at maipakita ang kanilang talent. This batch na yata ang may pinakamaraming nag-audition na bading at tomboy at talented sila ha!

* * *
Pagkatapos makipaglaban sa Babaing Impakta, si Babaing Lawin na ginagampanan ni Ehra Madrigal ang sunod na makasasagupa ni Darna sa Darna. Nag-taping na si Ehra last Monday at maganda rin ang kanyang back story. Malaki ang kaugnayan ni Babaing Lawin kina Fr. Mateo (Eddie Garcia) at Eduardo (Mark Anthony Fernandez).

Sunud-sunod ang taping ni Marian Rivera last week at ginagawa ang fight scene kahit umuulan na naka-Darna costume siya sa gitna ng kalsada. Sa taping sa presinto sa Balibago, Pampanga nagkagulo ang mga tao nang makita nila ang actress na naka-full costume.

Mamaya, galit si Ding (Buboy Villar) na muli siyang iniwan ni Darna. Dahil tagumpay ang pagnanakaw nina Shiro (Polo Ravales), ire-report niya ito kay Dionisio (Matt Ranillo) at maririnig ang boses ng ina ni Shiro na si Rita Avila.

Nakita ni Impi (Mura) nang mag-transform into a snake ang anak ni Roma (Nadine Samonte) at tuwang-tuwa ito. Nanlumo rin si Roma nang makita kung ano ang kanyang anak, pero mahal pa rin niya ito. Masaya rin si Kobra (Paolo Contis) sa mabilis na paglaki ng anak.

* * *

Labanan ng transexual (Vlad Nesas) at metrosexual (Justine Ferrer) ang mapapanood sa Survivor Philippines: Palau this Monday. Dadalhin si Vlad sa Isla Purgatorya nang ma-vote out siya sa grupo ng Airai last Friday.

Maagaw kaya ni Vlad kay Justine ang title na "Reyna ng Isla" sa kanilang sagupaan?

Tinalo na ni Justine sina Carol Gementeza at Maya Segovia, makaya rin kaya nitong talunin si Vlad na gagawin ang lahat para mabigyan siya ng chance na manatili pa sa isla at makabalik sa merge o pagsanib ng dalawang tribo.

Source: People's Tonight