Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian naka-iskor ulit kay Dingdong

Author: Mell T. Navarro
Column: Mouthful

Kumpirmadong si Rhian Ramos ang makaka-sama ni Dingdong Dantes sa new movie nitong Andong Agimat na joint project ng GMA Films at Unitel Films, ang nag-produce ng hit films like Crying Ladies ni Sharon Cuneta, La Visa Loca ni Robin Padilla.

Pero ayon kay Dong, hindi naman daw love story ang Andong Agimat at ito ay hard action, na hango sa isang Filipino folklore.

Kumbaga, mas matindi ang hard action scenes sa pelikula at kaunti lang ang love angle sa istorya na idi-direk ni Mark Reyes.

Samantala, very happy and proud sina Dingdong at Rhian sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa kanilang Stairway to Heaven, isa sa mga pambatongteleserye ngayon ng GMA-7.

Bukod sa bonggacious na rating ay unti-unti nang umiinit ang mga tagpo sa Stairway to Heaven ng mag-kasintahang Cholo at Jodi, na unang minahal ng Pinoy audience sa original Korean version nito.

* * *

SI Ronnie Ricketts na nga ang bagong appointed na chairman ng OMB (Optical Media Board) after mag-resign si Edu Manzano kamakailan lang.

Seems like nais ring pasukin ni Ronnie ang pagi-ging public official at ginagawang stepping stone lang ang pagiging chairman ng OMB.

Pero dapat muna ni-yang patunayan na worth siya sa posisyong ito na ipinagkatiwala sa kanya ng pamahalaan.

Matumbasan o mahigitan kaya niya ang naging performance ng grupo nina Chairman Edu at Senator Bong Revilla noon?

All eyes are set ngayon sa pag-upo ni Rocketts sa naturang ahensiya na naglalayong sugpuin ang problema sa piracy.

Come to think of it, ayon sa ilang showbiz observers, may napansing common denominator sina Edu at Ronnie, at ito ay walang iba kundi si Maricel Soriano.

Kapwa naging mga es-pesyal na lalaki sa buhay ni Marya sina Doods at Rocketts.

Naging asawa ng Diamond Star si Doods at ma-tagal na naging dyowa si Ronnie, kunsaan ang namesung ng isa sa mga anak ni Maricel na si Marron ay pinagsamang pangalan nila.

* * *

GAGANAPIN sa November 29 23rd PMPC Star Awards for Television sa PAGCOR Grand Theater, Ninoy Aquino Avenue, Parañaque City.

Ito ay produced ng VIP Access Media Productions at mula sa direksiyon ni Eric Salud. Sa taong ito, iluluklok na sa Hall of Fame ng PMPC Star Awards for Television ang longest-running noontime variety show na Eat Bulaga! ng TAPE, Inc. , na umikot na rin sa ilang major TV stations hanggang manatili ito sa GMA-7.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaloob ang Philippine Movie Press Club ng Hall of Fame sa kanilang taunang Star Awards for Television na nasa 23rd year na.

Ayon sa PMPC, it's about time dahil deserving naman ang EB na maluklok sa nasabing highest honor.

This year ay napagkasunduan ng PMPC officers and members na idagdag ang prestihiyosong Hall of Fame award na super-hirap makuha.

Ang Hall of Fame award ng PMPC ay ipagkakaloob lamang sa isang programang nagwagi na sa iisang kate-gorya nang 15 beses.

Yes, 15 times! At nakahakot na ng 15 trophies ang Eat Bulaga! bilang Best Variety Show dahil halos taun-taon ay sila ang nananalo sa naturang kategorya.

Imagine, kung 15 times nang winner ang EB, eh, 'di 15 times na ring pumapanhik sa stage ang producer nito at TAPE lady executive na si Ms Malou Choa-Fagar, manager nina Maricel Soriano at Janno Gibbs.

Source: Taliba