|
|
| Rhian nakipaglaplapan kay RichardAuthor: Gerry Ocampo Sa nalalapit na pagtatapos ng Zorro ay makailang beses nagkaroon ng kissing scene sina Rhian Ramos at Richard Gutierrez. Sa thanksgiving party/presscon ng naturang teleserye ay hindi naikaila ni Rhian na makailang beses silang nagkaroon ng kissing scene ni Chard. "Hindi ko na mabilang kung ilang beses. Basta marami. First time kami nagkaroon ng ganoon karaming halikan ni Chard sa teleserye. Kailangan kasi sa istor-ya kaya ginawa lang namin ang hinihingi ng role," say ni Rhian na lalong gumaganda at sumeseksi. Makailang beses na rin sila nagkatambal ni Chard sa telebisyon. Hindi ba siya niligawan ni Richard? "Walang ganoong pang-yayari. Richard and I are bestfriend at hindi ko ikakaila na mapalad ang magi-ging girlfriend niya. Kasi bukod sa matangkad, guwapo ay maganda ang puso at matulungin sa kapwa. "Kape, ang paborito ni-yang iniinom kapag may taping kaya bago magpunta ng taping ay may dala na akong kape para sa kanya," kuwento pa ni Rhian. Tulad ng mga kasamahan sa Zorro nalulungkot si Rhian dahil malapit na itong magtapos. Dalawang linggo na lang mapapanood ang Zorro pero masaya na rin siya dahil tagumpay ang pagsasama nila ni Chard. * * * Tsika ng kasamahan namin sa panulat na nang mag-guest si Mang Dolphy sa Wowowee ni Willie Revillame ay marami ang napaiyak at marami rin ang pinasaya ng nag-iisang Comedy King. Nagkataon na guest din sa naturang show ang mga OFW na mapalad na nabiyayaan ng bahay at lupa ni Senator Villar. Nagbiro nga raw si Mang Dolphy sa mga OFW ng: "O tingnan ninyo nga naman, sa kaiiyak ninyo nagka-bahay at lupa kayo. " Alam ni Mang Dolphy ang hirap at pasakit na dinaranas ng isang OFW dahil naging OFW din siya noon kabataan niya. Sa show ay kakanta si Dolphy Ikaw Na Nga, ka-duet si Willie pero nagulat ang lahat nang si Zsa Zsa Padilla ang lumabas. Nagpasalamat si Mang Dolphy sa lahat ng sumu-porta sa kanyang 65 years in showbiz. Sana raw ay dumating na ang araw na matupad na ang pagharap nila sa altar ni Zsa Zsa Padilla habang naka-kakad pa siya nang walang tungkod. "Kung nakatungkod na ako, 'di na ako magpapakasal sa'yo," pabirong sabi ni Dolphy kay Zsa Zsa. Wish naman ni Zsa Zsa para sa Comedy King: "Good health! Wish ko rin every year na maging National Artist sana siya. " * * * Sa blessing ng opisina ng Movie Writers Welfare Foundation kamakailan sa West Avenue, Quezon City ay isa si Councilor Ariel Inton na naimbitahan with Kuya German Moreno, Boots Anson-Roa, Ara Mina, Wilson Tieng at Kuya Daniel Razon. Lahat ng mga imbitadong celebrity ay nagbigay ng financial supprt sa foundation, bukod-tangi kay Kon. Inton. Maraming entertainment writers ang hindi nakapaniwala na walang ibinigay na tulong si Inton. May nagkuwento pa sa amin na minsan daw ay na-ngumbida ng mga reporter para sa project ni Kon. Inton pero daing ng mga reporter ay hindi man lang daw sila binigyan kahit sandwich dahil napakatagal ng show. Ayon pa sa kausap na-ming mataray na reporter ay wala raw ka-PR-PR ang PR ni Councilor Inton. Teka, sino ba ang PR ni Mr. Inton? And we heard na tatakbo raw itong Mayor sa Quezon City sa 2010. Aba! 'Di mas hamak na paborito ng showbiz writers si Vice Mayor Herbert Bautista, say naman ng isa pang reporter. Anyway, nagpapasalamat pa rin po ang MWWF sa pagdalo ni Councilor Inton sa blessing ng opisina ng samahan. Source: Taliba |