Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian, naloloka sa isyung tomboy!

Rhian, naloloka sa isyung tomboy!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

Inamin ni Rhian Ramos na naloloka na siya sa suspetsa ng ibang tao na tomboy siya. Kuwento ni Rhian, hindi lang isang beses, kundi paulit-ulit na raw nangyayari na may nagtatanong sa kanya kung tomboy siya.

Nagtataka rin si Rhian, na kahit ang mga manunulat daw na madalas na siyang nai-interview noon ay panay pa rin ang pangu­ngulit sa kanya kung totoo ngang tomboy siya.

“Pero, paulit-ulit ko rin namang sinasabi sa kanila na 'Oo naman, babae ako, 'no!' Ha! Ha! Ha! Ha!

“Nagtataka lang talaga ako, kasi palagi na lang akong natatanong tungkol sa ganyan. Sabi ko nga, ano ba ang nakikita nila sa akin, at bakit palaging may ganu'ng tanong sa akin?

“Masyado ba akong boyish kumilos at nagsususpetsa na sila na tomboy ako?” nagtatakang paha­yag ni Rhian.

Iginiit nga ni Rhian na sa mga boys pa rin siya nagkakagusto. Na kung may mga babae man siyang nagugustuhan, 'yun ay dahil sa gusto lang niya silang tularan.

“May mga cru­shes akong girls, pero gusto ko lang silang gayahin. Hindi 'yung gusto ko silang maging karelasyon o dyowain. Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang say pa ni Rhian.

Suspetsa ni Rhian, kaya siya inaakusahang tomboy ngayon ay dahil wala pa rin siyang nagi­ging boyfriend. Na kahit marami ang nali-link sa kanya, hindi pa rin sa relas­yon nauuwi ang lahat.

Na-link nga si Rhian noon kay Richard Gutierrez, pero walang relasyong namagitan sa kanila. Natsismis din siya kay JC de Vera, pero sa wala rin nauwi ang lahat. Na­balita rin na nanligaw sa kanya si DJ Mo, pero hindi rin sila nagkatuluyan.

“Kami ni Richard, nag-start pa lang ang tsismis, nasagot na agad namin na hindi totoo ang tsismis. 'Yung kay DJ Mo, from the start naman talagang friends lang kami. Wala talaga! Lumabas kami noon, pero hanggang friends lang talaga.

“With JC naman, naging close talaga kami. I don't know? Baka hindi pa talaga time for me na maging serious about love.

“Ang focus ko ngayon ay career. Mas gusto kong may work, kesa naman may boyfriend nga ako, wala naman akong work,” say na lang ni Rhian, na leading lady nga ni Dingdong Dantes sa bagong teleserye ng GMA, ang Stairway To Heaven.

Source: Abante