|
|
| Rhian pinabilib agad si Dingdong![]() Author: Gerry Ocampo Ilang workshop pa lang nagkakasama sina Rhian Ramos at Dingdong Dantes pero magaganda na ang sinasabi ng actor sa bagong leading lady. Bilib si Dingdong kay Rhian dahil kahit bata pa raw ito ay parang napakarami nang pinagdaanan dahil nakakapag-isip ito ng tamang atake sa character na ibinibigay sa kanya. Dahil dito, kumbinsido si Dingdong na hindi nagkamali ang GMA-7 na kay Rhian ibigay ang role na Jodi sa Stairway To Heaven. Excited na si Dingdong sa pagsisimula ng taping nito na sa first week of September na ang airing. Sunud-sunod ang project ni Dingdong dahil before ang Stairway, mayroon pa si-yang special na ipapalabas sa SNBO sa August 30 na isang docu-musical. Malapit na rin ang showing ng Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme), na movie nila ni Eugene Domingo sa September 2. * * * Solo presscon para kay Dennis Trillo ang ibinigay ng Regal Films para sa pelikulang Tarot, ang Regal Anniversary presentation na showing na sa August 26. Horror King na ang bansag ngayon kay Dennis dahil magkakasunod na horror movie ang nilabasan ng actor. Pagmamalaki ni Dennis, sa lahat ng horror films na ginawa, ang Tarot daw ang pinkanakakatakot. Sa tsikahan namin kay Dennis sa Penthouse ng Imperial Palace ni Mother Lily Monteverde, naungkat ang naging mga karelasyon ng aktor. Una siyempre si Carlene Aguilar at okey naman daw ang relasyon nila ngayon dahil sa anak na madalas niyang dalawin. Mawawala pa sa tanu-ngan ang pangalan ni Cristine Reyes? Pero ayon kay Dennis ay okey na sila at nakapag-move on na raw ang sexy actress. Ang latest ay si Pauleen Luna, na hindi naman itinanggi ni Dennis na lumalabas sila. "Yes, aaminin ko na gusto ko si Pauleen, pero wala pa kaming relasyon. Nandoon pa rin kami sa knowing each other stage at masaya kami kapag magkasama," say ni Dennis. Would you believe, takot pala si Dennis magpahula? Ang siste, hindi na siya nakaiwas magpahula sa kanyang solo presscon dahil nangumbida ng manghuhula ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde. Bago nagsimulang balasahin ng manghuhula ang tarot cards na dala ay biglang nagsalita si Dennis ng: "Accurate ba 'yan?" Bakas sa mukha ng actor ang takot sa kalalabasang hula at baka negative ang maging hula sa kanya. Unang hula kay Dennis ay tungkol sa ex-GF na si Cristine Reyes na nakapag-move on na raw pero nasa puso pa rin daw siya ng aktres. Ikalawang hula ay ang pagkakasakit ng kanyang magulang na malalampasan naman nila ang panganib. At ang ikatlong hula ay ang pagkakaroon ni Dennis ng dyowa pero hindi ito ang kanyang makakatuluyan . Magkakaroon din daw siya ng dalawa pang anak na babae at dalawang babaing magpapatibok sa kanyang puso. Habang hinuhulaan ay pi-nagpapawisan si Dennis na nakahinga lang nang matapos ang hulaan session. Sina Marian Rivera at Roxanne Guinoo ang leading ladies ni Dennis sa Tarot. Hindi ba pinormahan ni Dennis si Marian? "Hindi kami talo ni Ma-rian," mabilis nitong sagot. * * * Nakarating sa amin ang maglalaban-laban sa Celebrity Duets III, hosted by Regine Velasquez and Ogie Alcasid, na mapapanood end of August. Ang mga maglalaban ay sina boxing champ Donito Donaire, current IBO and IBF flyweight champion; Jomari Yllana; Jap/Brazilian model Akihiro Sato; Joel Cruz, owner ng Aficionado; Nicole; Mikaela; Janina San Miguel; Moxie and Nicolo Cosme, the photographer. Hindi maipagkakailang malaki ang lamang nang mas may perang contestant dahil idadaan ang mga boto thru texting. Mas lamang na raw at magiging mahigpit na maglalaban dito sina Joel Cruz at Mikaela? Kaya wait and see na lang tayo. Source: Taliba |