|
|
| Rhian pinapantasya ng StarStruck winnerAuthor: Noel Asiñas NAGULAT si Mike Tan sa latest tsikang lilipat na siya sa ABS-CBN. Ang dahilan daw ay parang napag-iiwanan na siya sa ibang winners ng StarStruck ng GMA-7. "Bakit ako lilipat sa kabilang network, eh, napakabuti naman sa akin ng Kapuso Network. Hindi ako nawawalan ng project, except 'yung almost one year akong walang work sa TV dahil tutok ako pagwu-workshop sa stageplay. Nakagawa naman ako ng ilang stage plays nu'ng wala ako sa TV," paliwanag ni Mike. Tulad ngayon, kasama siya sa Rosalinda, playing supporting role at bilang love interest ni Sheena Halili. Madalas din siyang i-guest sa iba't ibang shows ng Kapuso. May indie indie din isyang malapit nang ipalabas, ang Hellphone, na idinirek ni Joven Tan. Kasama niya sa horror/darama movie sina Jackie Rice, Rainier Castillo, Angelu de leon at Snooky Serna. Isa sa pinapantasya ni Mike si Rhian Ramos, ang partner ni Dingdong Dantes sa local version ng Stairway To Heaven. Ayon kay Mike, type niya ang beauty ni Rhian at iba umano ang dating sa kanya ni Rhian. Bukod sa magaling umarte, mabait pa ang pamangkin ni Ms. Ida Henares ng Artist Center ng GMA-7. Sa interview namin kay Mike sa dubbing ng Hellphone ay masaya niyang ikinuwento ang istorya ng ginagawang indie film. Nakakatakot at nakaka-excite daw ang mga eksena niya rito. Aminado naman si Mike na may childhood sweetheart siyang nag-aaral sa UP. Matagal na raw sila pero ayaw sabihin man lang ang pangalan ng kanyang special someone. * * * MAY big birthday celebration ngayong hapon sa SOP para kay Rhian Ramos, ang most loved leading lady ng GMA-7. Expected na maraming friends ni Rhian ang darting sa noontime show para batiin ang dalaga. As usual, star-studded ang SOP ngayong Linggo sa kanilang non-stop singing and dancing performances. * * * KASABIK-SABIK ang natitirang episode ng "3 Bachelors" ng Dear Friend, tampok ang tatlong aktor na sina JayR, Mark Escudero at Paolo Avelino with Ky-la at Jennica Garcia. Mapapanood this afternoon ang tunay na pag-katao ni Paolo. Samantala, dahil mag-asawa na sina Jay R at Kyla sa istorya, unti-unti nang mai-in-love si Kyla sa lalaki. Kung anu-ano pang twist ng show ay malalaman ngayong hapon sa Dear Friend, hosted by Jolina Magda-ngal and Marvin Agustin. * * * WALANG pakialam sina Sen. Bong Revilla at asawang Lani Mercado sa lovelife ng kanilang mga anak. Hanggang tagapayo lang sila sa kanilang mga anak. Tulad sa lovelife ni Jolo, ayaw mag-comment ni Lani tungkol dito bukod sa pagsasabing ok naman sina Jolo at Lovi. Hindi rin namin makaka-limutan ang sobrang pag-aasikaso ni Lovi kay Lani sa set noon ng Show Me Da Manny ng mag-guest sa show si Sen. Bong. Samantala, mapapanood sa Kap's Amazing Stories ni Sen. Bong ngayong Linggo ang tungkol sa weather phonomenal at nakagigimbal na pangyayaring likha ng kalikasan. Tulad ng mahabang pag-ulan sa Honduras na nagtala ng 60 millimeter na rainfall at linggong ulan ang idinulot. Ganyan din kaya ang ulan na ibinigay ni bagyong Pe-peng sa Northern Luzon? * * * SA Joey's Quirky World ngayon umaga ay dadalhin tayo sa China nina Inspector Talas at Madam Bola para saksihan ang iba't ibang trabaho ng mga tagaroon. Bibiyahe rin sila sa Egypt para tikman at alamin kung paano ginagawa ang kakaibang traditional bread na kung tawagin ay Aish. Bibisitahin din nila ang public oven sa Morocco at ang iba't ibang tinapay dito. Mapapanood ang Joey's Quirky World tuwing Sabado at Linggo ng umaga sa GMA-7. * * * DAHIL sa landslide dulot ng bagyong Pepeng, hindi na makakababa sa Maynila si Manny Pacquiao. Bukod sa maraming daan ang sarado pababa ng Baguio ay napuno ng putik ang mga daan palabas ng Baguio. Mabuti at maraming re-serba ang Show Me Manny at ngayong gabi ay guest nila si Carla Abellana bilang doktora na gagamot kay Ma-rian Rivera na mababagok ang ulo sa semento. Source: Taliba |