|
|
| Rhian, pinipigilang umibig kay Dingdong!![]() Author: Rey Pumaloy NGAYON pa lang, pinipigilan na ni Rhian Ramos ang sarili na umibig kay Dingdong Dantes. “Anything is possible, pero ayokong ma-in love sa isang taong hindi para sa akin!” mariing sambit ni Rhian. “Pero, kung para sa akin, go, go, go! Pero kung hindi para sa akin, huwag na lang!” dugtong na sabi niya. So, sarado na agad ang pinto niya kay Dingdong? “Hindi ko isinasara! Anything is possible, pero kung anything that belongs to anyone and not belong to me, hindi!” Pero si Dingdong ay kay Marian na. “I'm not saying it will happen, ha! Sinasabi ko lang na puwede. Pero mukhang right now, malabo. Hayun nga, basta I will stand by with my morals and say na... 'Ayokong kunin ang kahit na anong bagay na hindi para sa akin and it doesn't. Hindi lang sa tao 'yon, hindi lang sa partners kundi sa lahat ng bagay!” esplika niya. Anyway, hindi pa masyadong nagugulo ang mundo ni Rhian kahit may mga naglalabasan na ngang intriga sa kanila nina Dingdong at Marian. Sabi nga niya, wala pa siyang naiengkuwentrong mabigat. Pero, may dapat bang ipagselos si Marian sa mga romantikong eksena nila ni Dingdong sa Stairway To Heaven? “Sa tingin ko, wala naman yatang dahilan para mangyari 'yon. Lalo na pareho lang kami ng work. Kaming lahat ay naiintindihan kung ano ang kailangan naming gawin,” tugon ni Rhian. Inamin ni Rhian na nagkita sila ni Marian sa taping ng Show Me Da Manny. Doon daw sila nag-isnaban? “Hindi totoo! Kasi, pareho ang dressing room namin, kaya mahirap mag-isnaban. “Nung pumasok ako, nag-hi-hi kami, nag-beso-beso. May kausap siya noon, ayaw kong mag-interrupt. At saka, siya ang bida ng show, at medyo marami kaming eksena, dagdagan mo na rin 'yung factor na medyo may cut off si Manny Pacquiao nung araw na iyon dahil magti-train na siya para sa fight. “So, lahat kami nagmamadali. Wala ka pang 1-minute sa dressing room, puro bihis kami. Hindi kami nakapag-usap pero sa tingin ko, okey ang lahat dahil nagbatian kami. “Sa time na puwede kaming mag-hi, nag-hi naman kami. Hindi isnaban 'yung na-feel ko.” Anyway, prangka namang sinasabi ni Rhian na hindi sila close ni Marian. Pero, hindi raw problema 'yon. Source: Abante |