|
|
| Rhian, puno ng pag-ibig kay Dingdong![]() Author: Abante NAWALA na raw ang ilangan sa pagitan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. Ang pag-a-ice skating daw nila ang naging tulay para mawala ang ilangan na 'yon sa kanila noon. “Nung umpisa kasi, parang suplado si Dong,” natatawang sabi ni Rhian. “Ay, never, never, never! Naku, heto na naman ako! Ha! Ha! Ha!” bawi ni Rhian. So, paano nga na-break ang ice? “One day, bigla na lang... Actually, 'yung specific na araw, 'yung nag-ice skating kami, kaya 'yun ang nasabi ko. At pag may free time kami, naga-ice skating pa rin kami,” sagot ni Rhian. Kapansin-pansin na tila kinikilig si Rhian kay Dingdong? “Sobra! Kapag narinig ko ang action, wala akong ibang nararamdaman kundi pag-ibig!” sagot niya. “Teka, sino ba, si Dingdong o si Cholo? Ha! Ha! Ha!” biglang bawi ni Rhian. “Hindi naman! I'm just clarifying. Si Dingdong kasi, ang nakikita ko sa kanya, isang tao na puwede kong pagkatiwalaan.” Gusto raw ni Rhian ang pagiging gentleman ni Dingdong. Ano naman ang gusto niya sa itsura ni Dong? “Hindi naman kailangang pag-usapan! Kasi, sexiest man in the Philippines! Top three siya sa buong mundo. “Sabi ko nga, one day kapag pumunta ako ng States, sasabihin ko, you know, the third in the world, sexiest men, partner ko! Ipagyayabang ko talaga! Ha! Ha! Ha!” patawa-tawang say ni Rhian. Siyanga pala, magkasabay na dumating sa Cinema Premiere ng Stairway To Heaven last Sunday sina Dingdong at Rhian sa Megamall. Source: Abante |