|
|
| Rhian, sabit sa paninira kay JeremyAuthor: Vinia Vivar Mayroon yatang tao o mga taong galit kay Jeremy Marquez na nag-i-e-mail ng kung anu-anong kasiraan at kanegahan tungkol sa kanya. Ang masama pa, pati ang paninilbihan ni Jeremy bilang barangay captain sa BF, Parañaque, nadaramay. Na kesyo nilulustay daw ang pondo sa pambababae, etcetera. Nagkataon namang nali-link ngayon si Jeremy kay Rhian Ramos, kaya some are thinking na baka ito ang dahilan kung bakit nane-nega ang aktor. Kung mapapansin, halos lahat ng nali-link kay Rhian, nagkakaroon ng bad publicity, na hindi malaman kung saan nanggagaling. Ang iba'y sinasabing galing ito sa fans ni Rhian na ayaw magkaroon ng boyfriend ang idolo. Kung totoong galing sa fans niya, dapat siguro'y kausapin niya ang mga ito na maging open-minded. On the other hand, may nagsasabi rin namang politically-motivated ang mga paninira kay Jeremy dahil nalalapit na ang barangay polls. * * * Gigil na gigil ang nanay ni Valerie Concepcion na si Mommy Mayette sa tsikang may DOM (dirty old man) na karelasyon ang anak. Sanay si Val at ang mommy niya sa mga intriga sa showbiz, pero huwag naman daw sana to the point na nag-iimbento na ng kuwento. Ayaw na sanang patulan ng ina ni Valerie ang intriga, pero nang matukoy kung sino ang may pakana ng tsismis na ito, du'n siya nanggalaiti. Hindi niya akalaing ganito kadesperado at kawalang konsensiya ang taong 'yon na kayang mag-imbento ng kuwento. Wala silang alam na atraso sa taong ito, kaya sana raw, tigilan na ang paninira sa anak niya. * * * Ang solid Mark Herras-Jennylyn Mercado fans ang unang-unang natutuwa sa plano ng GMA-7 na ibalik ang loveteam ng dalawa. Matagal na nga raw nilang gustong mangyari ito dahil up to now, solid ang paniniwala nilang bagay na bagay ang dalawa. Para kay Jen, kung ano ang ibigay na trabaho, tinatanggap niya. Hindi rin problema na makatrabaho ang ex-boyfriend dahil magkaibigan sila at katunayan, kailan lang ay nagsama sila sa Magpakailanman. Maganda pa rin ang working relationship nila. May tsikang nagseselos pa rin si Patrick Garcia kay Mark at ani Jen, walang dahilan para magselos ang boyfriend dahil alam nitong trabaho lang ang pagsasama nila ng dating nobyo. Source: People's Tonight |