Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Rhian, walang balak 'ahasin' si Dingdong kay Marian!

Rhian, walang balak 'ahasin' si Dingdong kay Marian!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

NGAYON pa lang ay tinitiyak na ni Rhian Ramos na walang magiging problema sa pagitan nila ni Marian Rivera, ngayong halos araw-araw ay magkasama na sila ni Dingdong Dantes.

Sinisimulan na ngang gawin nina Rhian at Dingdong ang Stairway to Heaven, ang bagong teleserye ng GMA 7.

Giit pa ni Rhian, hindi siya puwedeng maging threat sa relasyon nina Marian at Dingdong. Unang-una, trabaho lang daw ang pagsasamahan nila ni Dingdong, at wala siyang balak na ahasin si Dingdong kay Marian.

“Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging threat sa kanilang dalawa. 'Yung sa kanilang dalawa, mas deeper `yon. 'Yung sa amin ni Dingdong, work lang talaga.

“Iba ang level ni Marian. I don't think na magkakaroon kami ng problema ni Marian,” sabi ni Rhian.

Pero, alam ni Rhian na mali-link talaga sila ni Dingdong. Hindi raw maiiwasan `yon, dahil magkasama nga sila sa isang project.
“Nangyayari naman talaga sa lahat ng mga show `yon, na nali-link ang mga artista. Pero, wala namang dahilan para maging problema 'yun,” say pa niya.

Sa ngayon, single lady ang tawag ni Rhian sa sari­li niya. Wala raw siyang boyfriend.

Inamin niya na hindi namulaklak ang samahan nila ni JC de Vera.
“Hindi nag-prosper. Everytime na mag-a-attempt ako for better love life, hindi nangyayari.

“I think, it's a sign na hindi ko dapat muna seryosohin ang love life. I'm young at marami pa akong dapat gawin. Ang trabaho ko, hindi lang siya physically tiring kundi emotionally tiring din.

“And if you have free time, gusto mo na magpahinga na lang at maging happy.

“I like having friends. Pero, to go beyond that, time will come. But not now!”
Sabi nga namin, mukhang si Rhian na talaga ang may problema kaya hanggang ngayon ay hindi siya nagkaka-boyfriend. Baka mahirap siyang pakisamahan?

Sabi ni Rhian, sa tingin niya ay wala namang pagkakamali sa mga nangyari noon. Hindi raw nila kontrol ang sitwasyon.
“If it's not meant, it's not meant. If it's meant, it's meant,” say lang niya.

Source: Abante