|
|
| Rhian-Dingdong movie, pinalagan ng Marian fans!Author: Jun Nardo AGAD-AGAD tumawag ang isang network sa amin upang kunin si Allan K na maging bahagi ng isang show. Nang magbabu kasi last Sunday ang GMA show nila ni Jaya na All Star K The P1M Videoke Challenge, inakala ng taga-network na puwede nang lumabas sa kanila ang TV host-comedian. Sinabi naming hindi pa puwede dahil may kapalit agad itong bagong show, ang Banda-Oke Rock & Roll To Millions na same time slot sa nawala nilang show tuwing Sunday. Hindi na lang nag-insist pa ang aming kausap. Yes, simula this Sunday na ang Banda-Oke na mas pinabago ang konsepto at live band na ang back up ng celebrity guests. Batang musikero ang bubulaga ngayon sa videoke show kasama ang winners ng Are You The Next Big Star? na sina Cheska Farr at Geoff Taylor kasama ang runner up na si Jay Perillo. Tsinugi na rin ang jukebox na set at pinalitan ito ng Juke-Pod shuffle na wari ay I-Pod ang drama. Pati ang datung na paglalabanan sa elimination round ay binago rin ang drama! Present kami sa taping ng pilot telecast ng show na mapapanood this Sunday after Mel & Joey. Binususi ni direk Rico Gutierrez ang bawat shot, ilaw at sound effects sa mga segments. Kaya hayun, madaling araw na natapos ang taping kaya minalat nang husto si Allan! Ang guests na maglalaban-laban this Sunday sa Banda-Okey ay ang grupo ni Joey de Leon na sina Anjo Yllana, Lougee Basabas at Kim at sa kabilang grupo ay si John Lapus ang bandmaster at kakampi sina Iwa Moto, Sheena Halili at Chariz Solomon. Kontra agad ang Marian Rivera-Dingdong Dantes followers sa balitang si Rhian Ramos ang leading lady nito sa gagawing movie sa GMA Films na Andong Agimat. Balitang inayawan daw ito ni Marian dahil sa gagawing Nieves na entry sa filmfest. Eh, buwelta ng Marian-Dingdong fans, hindi na raw matutuloy si Marian sa Nieves kaya puwede na siyang maging kapareha ni Dong. Tanong nila: Bakit si Rhian na naman, eh, nagsama na ang dalawa sa Stairway To Heaven? Gamit na gamit na nga raw sa publicity ang idolo nilang si Darna, tapos, heto na naman ang bagong project ni Rhian with Dingdong! Hay naku, check namin ang reaksyon ni Dong mamayang hapon dahil nasa Filbar sa SM Megamall siya ng 3:00 p.m. para sa autograph signing ng kanyang bookazine! Source: Abante |