|
|
| Rica Peralejo na-terrorize ni Direk Chito RoñoColumn: Eksenadora TENSYONADA si Rica Pe-ralejo nang dumating ito sa presscon ng Caregiver (ipapalabas sa May 28) mula sa Star Cinema. Nakita raw kasi ng aktres na may red carpet at simple lang ang kanyang damit for the occasion. Ganoon pa man, lutang pa rin ang kagandahan ni Rica. Nabalitaan din namin mula sa kanya na isang taon na siyang full-time student sa Ateneo de Manila, pero sinikap ng aktres na pagkasya-hin sa iskedyul niya ang paggawa ng pelikula kasama si Sharon Cuneta. "Ayokong palampasin ang chance, kasi big project ito. At si Chito Rono pa ang direktor. " say ni Rica. Gaya ng karamihan, pu-ring-puri ni Karyx (tawag na-min sa kanya) si Mega. "I am amazed of how she opened herself up to me, and how good a person she is. " Nagkaroon, aniya, sila ng chance ni Sharon na magka-kilala nang maigi sa London while doing the movie. Bagama't terror kung itu-ring ng lahat si Direk Chito Roño, bow naman ang mga artistang katrabaho niya sa kanya. Kahit na-terrorize din ni Direk Chito, maging si Rica ay sinasabing hindi na siya nagtataka kung bakit lahat ng mahawakang artista ni Di-rek ay nananalo ng award. Aniya, alam daw ng respetadong direktor ang kanyang ginagawa para lang itosa kabu-tihan nila. Nabanggit din namin kay Rica ang na nakaka-miss ang markado niyang karakter sa isang teleserye na ginawa nila noon ni Piolo Pascual. Ito kasi ang mga bagay na papel sa kan-ya. Hayun, nabuhay na naman ang usaping Piolo. Muli, inamin ni Rica na ba-gama't niligawan siya ni PJ ay hindi umabot sa puntong na-ging sila. Kung bakit ay hindi na ito sinagot ng dalaga. Aniya, they just cared so much for each other kaya ayaw na lang nilang masaktan ang isa't isa, so minabuti nilang maging magkaibigan na lang. Ganoon. Ngayon daw ay wala pa ring dyowa si Rica. She just happens to know what she wants right now at mas maingat na umano siya nga-yon kumapara nu'ng kaba-taan pa niya. Hmmn, gets namin ang ibig niyang sabihin. * * * NABIGYAN kami ng pagkakataon na makausap si Jorge del Rosario, ama ni Vince del Rosario. Si Vince ang binatang mapapangasawa ni Inah Revilla na anak nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado. Sa Fely J's (Greenbelt 5) namin nakausap si Jorge, at agad na itinanong namin ang tungkol sa umano'y na-ging gap nila n i Sen. Bong. Malinaw na sinabi ni Jorge na kaya lang naman daw siya nag-react dahil sa mga kumalat na isyu at balita mula sa kampo ni Sen. Bong na kesyo kunsintidor siyang ama at hinayaan lamang daw niya sina Vince at Inah na mag-ibigan. Nilinaw nito na nagka-kilala lang sina Vince at Inah nu'ng umuwi rito ang anak niyang binata last year. Isa pang isyu kung saan nasaktan si Jorge ay ang tungkol sa umano'y pati ang asawa niyang si Patricia ay nasali na sa usapin. Na kesyo pera lang daw nina Sen. Bong ang habol nito. "How can that be? I have money, but my wife has more. My wife's family is very well- off. They own a chain of restaurants in Visayas and Mindanao. " Nilinaw din ng ama ni Vince na kailanman ay hindi siya naging empleyado ni Sen. Bong. "I have never been an employee of Bong and ne-ver will I be. " Pero, ang lahat ng ito ay napag-uspaan na rin nila ng pamilya Revilla nu'ng mamanhikan sila the other night sa bahay nina Inah sa Ayala Alabang. Nasaktan man, aminado pa rin si Jorge na hindi nabubuwag ang pagiging magkaibi-gan nila ni Sen. Bong. Malaki, aniya, ang respeto niya sa pamilya ng bu-tihing senador at hindi na rin iba sa kanya ang mga anak nito. Dadalo ang ama ni Vince sa kasal nila ni Inah ngayong buwan at lilipad siyang muli pabalik sa Amerika to attend to their business doon. Source: Taliba |