|
|
| Rica takot ma-in love uli![]() Author: Dennis Aguilar Hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ni Rica Peralejo ang unang pagkakataon na makatrabaho niya sa pelikulang Caregiver si Sharon Cu-neta. Aminado kasi ang aktres na sobra siyang na-ex-cite sa unang encounter ni-ya sa nag-iisaang mega-star. Pinilahan na sa buong mundo ang nasabing pelikula, pero naroon pa rin sa isipan ni Rica ang kasiyahan na maging kabahagi siya ng napakagandang pelikula ni Shawie. "Hindi ko talaga makalimutan si Ate Sharon, ang kanyang kabaitan at pagi-ging supportive niya when we were together in London? "Sa kabila ng pagiging megastar niya, hindi mo iisi-ping napakalaking tao niya, dahil lahat kaming cast doon, mula sa maliit hanggang sa direktor ay kanyang pinakikisamahan. "Very helpful din siya. May isang eksena ako sa mo-vie na medyo tensyonado na ako at hindi ko ma-memorize ang linya ko, pero inalalayan niya ako. Sa awa ng Diyos na-tapos ang eksenang iyon sa tulong niya," kuwento pa ni Rica. Sa tanang buhay ni Rica, ngayon lang daw siya nakagawa ng super-gandang pelikula. Ang tanging wish niya ngayon ay maulit ang pagkakataong iyon. Gusto rin niyang muling makatrabaho sina Sharon at Direk Chito. Kahit man lang daw sina Sharon at Direk Chito Roño. Pinagsasabay ngayon ni Rica ang studies at showbiz. Host siya ng Umagang Kay Ganda at kailangan niyang gumising ng 4 a. m. para magpunta sa studio. Pagkatapos nu'n ay diretso naman siya sa Ateneo para pumasok kung saan kumukuha naman siya ng kursong Creative Writing. "Masaya ako sa buhay ko ngayon dahil walang sagabal, nagagawa ko ngayon ang gusto ko dahil wala nang nagbabawal. "As of now, zero pa rin ang love life ko, three years na yata akong walang boyfriend ngayon. After nung beak-up namin ni BJ (Bernard Palanca) wala nang sumunod. " Eh, bakit naman? "Ayoko nang masaktan pa ulit, tama na 'yung na-experience ko dati. Work and studies na lang muna ako ngayon. Pero siyempre, wish ko rin na makakita ng tamang lalaki para sa akin," wika pa ng dalaga. Nabanggit din ni Rica na minsan daw ay may nag-offer na rin ng kasal sa kanya, ito ay nu'ng time na nagti-taping pa sila ng Ok, Fine Whatever sa London. British daw 'yun na may pagka-oriental looking. Patingin-tingin daw sa kanya noong una 'yung guy dahil nagandahan sa kanya, hanggang sa lumapit ito at nag-offer ng marriage. "Shocking 'yun. Sabi ko, 'why will you marry me, when you just knew me a couple of minutes?' Ang sagot ba naman niya, 'I will know you the rest of our lives!' "Kaloka, 'di ba? In fairness, super-guwapo siya. Pero siyempre, tinanggihan ko ang alok. Hindi naman ganu'n kadali 'yun, 'no? "Masarap ang buhay ng dalaga. Libre ang oras ko. Nagagawa ko ang gusto ko ngayon. Wala akong problema, masayang-masaya ako at kuntento," pagtatapos ni Rica. Source: Taliba |