|
|
| Richard, Dingdong naagawan ng 'korona' ni Robin PadillaAuthor: Tonee Coraza SI Robin Padilla na nga ang hari ngayon ng GMA. Ang kanyang Totoy Bato ang undisputed no. 1 sa mga teleserye sa GMA Telebabad nga-yon with a consistent ra-ting of 37percent pataas. Yes, sumusunod lang sa kanya ang Zorro ni Ri-chard Gutierrez at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ni Dingdong Dantes. So, sa pagkakataong ito ay natalo ni Binoe ang magkaribal na sina Ri-chard at Dingdong. Balita pa na siya ang highest paid male actor sa Kapuso network na hindi na rin kami nagtataka dahil sadyang 'spoiled' siya sa GMA7. Mismong si Wilma Galvante na ang nagsabi sa press na lahat ng mga kahilingan ni Robin ay ibinibigay ng GMA7 dahil alam ng network kung gaano ka-dedicated siya pagdating sa trabaho. Mukhang sulit naman ang 'gastos' ng GMA kay Robin dahil consistent toprater ang Totoy Bato. Kay Robin na rin na-min nalaman na 'naghuhuramentado' siya kung sakaling aantuk-antok na ang kanyang mga kasamahang aktor sa set ng Totoy Bato pagdating ng madaling araw. Kaya naman siya na ang naglagay ng coffeemaker at nagpapabili ng mga pagkain sa set para laging mataas ang energy ng kanyang co-stars tulad niya. * * * BILIB din kami kay Annabelle Rama. Siya na talaga ang pinakamatapang na talent manager na nakilala na-min. Ang mga kaibigan niyang sina Lolit Solit at Alfie Lorenzo na mga ta-lent managers din ay ma-tatapang din at matataray, pero iba ang tapang ni Tita Annabelle. Bilib tala-ga kami sa kanya. Wala siyang takot na banggain ang isang ma-taas na GMA exec. ma-ipagtanggol lang niya ang kanyang prinsipyo at mga talent. Hindi siya umuurong kahit saang la-ban basta alam niyang nasa katwiran siya. At sadyang napakalakas ng pakikisama niya sa press people kaya well-loved siya ng entertainment reporters. Lahat ng laban niya ay sinusuportahan talaga ng press. * * * HUMAHATAW din ang isa pang anak ni Gov. Vilma Santos. Sa darating na April 15 ay gagawaran ng active lifestyle award ni Sen. Angara si Ryan Recto at ilan pang mga ulirang kabataan. Siyempre pa, present mismo ang parents ni Ryan na sina Ate Vi at Ralph Recto sa naturang event na gaganapin sa Intercon Hotel. Mukhang sinusundan ni Ryan ang mga yapak ng kanyang Kuya Luis Manzano sa pagi-ging isang achiever. At hindi na kami magtataka kung sakaling pumasok na rin siya sa showbiz. After all, nakagawa na rin siya ng TV commercial with his mom. * * * MAY libreng medical, dental at optical services si Kuya Daniel Razon (Mr. Public Service) sa la-hat ng entertainment press at mga kaanak ng mga ito sa Linggo (April 5), mula 8 a. m. - 5 p. m. sa UNTV bldg. na matatagpuan sa 907 EDSA Philam, QC. Sa mga kapatid sa pa-nulat na may mga tanong, maaaring tumawag sa 4426244. Hindi tatakbo sa kahit na anong political position si Kuya Daniel sa da-rating na halalan sa susu-nod na taon kaya walang political agenda ang free clinic na ito. Gusto lang pasalamatan ni Kuya Daniel ang lahat ng mga kaibigan niyang mga entertainment press sa pa-tuloy na pagsuporta sa kanyang mga proyekto. Source: Taliba |